Vanessa Wolfe Nakatulala lamang ako sa harap ng salamin, nakatulala sa blankong salamin. Wala ang repleksyon ko, tanging blanko lang at ang nakalutang na band aid na hawak ko pa din. "Here..." I remembered Kraig's face when he handed me this band aid. Hindi siya makatingin nang diretso sakin, parang nahihiya at namumula ang kaniyang pisngi. "Masakit pa ba, Vanessa?" Pumasok sa loob ng banyo si Alvira at tinulungan akong gamutin ang sugat na natamo ko. Ibinulsa ko na lamang ang band aid dahil sabi ni Alvira ay hindi kakayanin ang liit na 'yon sa malaking sugat ko. Napapangiwi nalang ako habang dumidikit ang bulak ng alcohol sa sugat ko. I managed to stay silent kahit na gustong gusto ko ng sumigaw sa sakit. Nasa sala na kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng hapunan. Si Odile ay may

