-=Alexander's Point of View=- Hindi ako makapaniwalang makakaya akong lokohin ni Slater samantalang inakala kong hinding hindi na ako masasaktan nito, hindi ko na alam kung paano ako nakalapit sa mga ito at kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Slater nang makita akong nakatayo sa harap nito. "A....Alex...." ang tanging nasabi nito habang nakatingin sa akin. "Sorry ha, nakakaistorbo ata ako sa inyo."pigil pigil ko ang sarili kong umiyak sa harap ng mga ito, ayokong magmukhang kaawa awa sa harap ng mga ito. "Sige enjoy lang kayo." ang sinabi ko na lamang sa mga ito at agad na tumalikod at naglakad palayo sa mga ito dahil hindi ko na nakayanang itago ang sakit na nararamdaman ko. Kung noong una ay masakit ang naramdaman ko sa ginawang pangloloko sa akin ni Richard mas mahigit ang sakit n

