-=Slater's Point of View=- Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa Daddy ko ang nangyari sa loob ng sinehan, I mean paano ipapaliwanag nang isang supposed to be straight na lalaki sa kanyang daddy ang nakita nitong pakikipaghalikan ng magaling niyang anak sa sinehan sa isa pang lalaki. Tanging tunog lang nang radyo sa loob ng taxi ang maririnig, dahil ni isa man sa amin ay walang gustong magsalita, kaming tatlo lang ng mga Daddy ko ang pauwi papuntang Caloocan, si Alex kasi ay pinakiusapan ng Mommy ko na mauna nang umuwi dahil kailangan namin mag-usap usap pamilya na naintindihan naman nito kaya kahit alam kong labag sa kalooban ni Alex na iwan ako sa ganitong sitwasyon ay pumayag din ito. Kung maari lang pahabain ang oras bago kami makauwi ay ginawa ko na, siguro ganito ang nararam
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


