-=Slater's Point of View=- "Magpahinga na po muna kayo sir." ang nakangiting sinabi sa akin ni nurse na nagcheck kay Alex. "Ok lang ako nurse gusto ko kasing mukha ko ang una niyang makita kapag nagising na siya." nakangiti kong sinabi dito. Sa totoo lang nag panic ako nang mawalan ito ng malay ngunit agad naman sinigurado nang kasama namin sa ambulansya na ok lang si Alex at nakatulog lang ito dala ng pagod at pagkawala ng dugo nito sa katawan ngunit wala naman daw akong dapat ipag-alala pero kahit na hindi ko pa din maiwasan sisihin ang sarili ko kung bakit nangyari ito kay Alex. Masyadong nakatuon ang buong atensyon ko sa natutulog na binata at hindi ko namalayan na may kasama na pala ako sa loob ng kuwarto na tahimik na nakatitig sa akin. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong m

