Chapter 35 Kamari’s Pov BUMALIK ako sa office ni Evander at napapaisip ako sa mga sinabi ni Yasmin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil nag request lang naman siya na kung pwede ay makipagpalitan daw ako sa kanya ng posisyon sa trabaho. Hindi ko alam kung seryoso ang babaeng yun. Nagmumukha siyang timang sa paningin ko. Hindi ako pumayag sa gusto niya at wala akong pakialam kung magalit man siya sa pagtanggi ko. Napapailing na lamang ako habang nakaupo ako sa swivel chair ko. Napapansin ko din na panay ang tingin sa akin ni Evander ngunit hindi ko siya pinapansin. Nakakatitig lang ako sa table ko habang iniisip ang gagawin. Nakaupo lang ako at napansin na nakatayo na si Evander sa gilid ng table ko. “Bakit ka nakangiti dyan, agapi mou? May iniisip ka bang lalaki bukod

