Chapter 47 Kamari’s Pov NAKAUWI na kami ni Evander sa bahay. Hindi na niya tinapos ang pag gro-grocery namin dahil nag aalala siya sa akin. Namumutla kasi ako kaya niyaya na niya akong umuwi. Kahit anong sabi ko na ayos lang ako ay ayaw niyang maniwala sa akin. Kaya hindi ko na siya pinigilan pa at umuwi na lang kami ng bahay. Nandito ako ngayon sa sala at nakatulala parin. Iniisip ang naranasan ko kanina. Nakakatakot ang ginawa ng taong yun pero sa tingin ko ay nakatulong ang pagpapakita niya sa akin dahil may nakuha akong idea sa kung ano ang mangyayari sa akin. Dapat yata ay simulan ko na ang paghahanap sa kung sino ang tinutukoy ng matandang sumumpa kay Evander. Iniisip ko kung sino ang tinutukoy niya. Pero ito lang ang alam ko, kailangan mahanap namin ang sinasabi niya upang h

