Chapter 30 Kamari’s Pov MAY KAUSAP si Evander kaya naisipan ko na munang lumabas ng office niya. Syempre kakaibiganin ko ang bagong secretary na si Yasmin. Gusto ko siyang kaibiganin para naman may makausap ako kapag busy si Evander. Nang makalabas ako ay napansin kong nagkakape ang bagong secretary kahit pa nga hindi pa naman coffee hour. Ang alam ko kasi ay may coffee hour, oras ng trabaho ngayon. Nabasa ko kasi yun sa rules. Baka kasi hindi pa niya nababasa kaya dapat siguro ay sabihan ko siya para naman may idea siya. Baka kasi makita siya ni sir Philip at mapagalitan pa. Naglakad ako papunta sa table niya at ngumiti ako dahil sa tumingin siya sa akin. “Hi, Ms. Robles.” Bati ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tahimik lang siyang uminom ng kape niya. “Ahm.. ako nga pala si

