Chapter 26 Kamari’s Pov MATAPOS ANG date namin ni Evander ay namasyal masyal muna kami. Kung saan-saan na kami nakarating at ang huli naming pinuntahan ay mall. Gusto ko lang magtitingin tingin sana pero itong si Evander, bawat tinititigan ko ay binibili niya. Ang sabi ko naman ay wag na dahil hindi ko naman kailangan. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga mamahaling damit. Ang dami na nga niyang biniling damit sa akin nong nakaraan eh. Lahat branded pero hindi ko naman sinusuot. Mas gusto ko kasi yung gawang tiangge lang lalo na pambahay. Ang presko kasi sa katawan. Mahilig lang akong tumingin pero hindi ako mahilig bumili. Panay ang tingin ko kay Evander at pinandidilatan siya ng mata dahil may balak na naman bilhin ang bag na tinitignan ko lang. “Bakit mo ako pinandidilatan, agapi

