CHAPTER 7 LUCAS POV Maya-maya pa, lumabas na kami para mag-rounds. Magkasabay kaming naglalakad ni Llianne habang nag-uusap tungkol sa bawat pasyente. Sanay na ang lahat dito sa ospital mga doktor, nurses, at staff na kambal kami. Pero dahil hindi kami magkamukha, kadalasan lalo na ‘yung mga bagong salta at ilang pasyente, napagkakamalan kaming magkasintahan. Nakakainis nga minsan kapag naririnig kong tinatanong kami kung “kami ba?” Pero kung tutuusin… kung hindi ko lang siya kakambal, at kung sa tingin ng iba ay magkasintahan kami, hinding-hindi ko papatulan ang baliw na ‘to. “Hoy, ano iniisip mo? Naka-focus ka ba sa mga pasyente?” tanong niya sa akin, sabay salubong ng kilay. “Syempre naman,” sagot ko agad, kahit na wala talaga akong narinig sa huli niyang sinabi. “Sige nga, ano an

