CHAPTER 9 LUCAS POV “Andito na pala kayo.” Napalingon ako sa boses na iyon si Mom. Nakatayo siya sa may pinto ng dining area, nakangiti, halatang tuwang-tuwa nang makita kaming tatlo. Ang mga mata niya, bagaman may bakas ng pagod, ay kumikislap sa saya. Alam kong bihira na rin kasi kaming magkasabay-sabay umuwi, lalo na sa dami ng trabaho naming magkakapatid. “Oh, Hazel,” tawag ni Lolo habang nakasandal sa sofa. “Kumusta ang pagkain?” “Maayos naman, Dad,” sagot ni Mom habang inaayos ang mangkok sa mesa. “Na-prepare na nang maayos ng mga kasambahay. Mamaya, kakain na tayo pagdating ng daddy nyu” Lumapit si Mom sa akin, dala pa rin ang ngiti. Tinapik niya ako sa balikat. “Kamusta naman, Lucas? Hindi ka ba nai-stress sa kakambal mo?” tanong niya, halatang nang-aasar. “Mom naman,” rekla

