KABANATA 1

1042 Words
KABANATA 1:     PATULOY ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alintana na pinagtitinginan na ko ng mga tao dahil sa hindi matapos-tapos na pag-iyak. Kapag naalala ko na naman kung paano galit na galit si Ate Aiko na sumugod sa bahay para sabihin kay Daddy ang ginawa kong kasalanan ay gusto ko ng magpakamatay.     Nabigla ako ng dumating siya matapos ang matagal na panahong pagkakawala. Akala ko hindi na sila babalik. Akala ko habang buhay ng lihim ang kataksilang ginawa ko. Pero hindi pala. Nalaman ni Daddy at galit na galit siya. Sa huli, nagdesisyon siya na paalisin ako para sa ikakatahimik ng buhay nilang pamilya.     Anak lang naman ako ng isang kabit. Ayoko naman talagang magpakilala sa kanila dahil ayokong magulo ko ang buhay nila pero wala akong magawa. Magugutom ako at baka matulad ako kay Mama kung hindi ako hihingi ng tulong sa totoo kong ama. Pero na-realize ko din. Hindi ako naiiba sa Mama ko. Katulad din niya, malandi ako. Pumatol ako sa may-asawa. Walang kapatawaran ang aking nagawa. Malamang hindi na ko papa-pasukin sa langit dahil sa tindi ng aking kasalanan.     “Hija, okay ka lang ba? Kanina ka pa namin tinitignan ng asawa ko. Pakiramdam ko mahihimatay ka na diyan sa upuan dahil sa kaka-iyak mo,” tanong ng matandang babae sakin. Lumapit pa talaga siya para kumustahin ako.     Nagpunas muli ako ng luha habang mahigpit na hawak ang bag at pasaporte.   “O-okay lang p-po...” Humihikbi kong sabi. Inabot niya sakin ang isang bote ng tubig. Binigyan niya ko ng isang malungkot na ngiti.     “Sige... kung ano man ang pinagdadaanan mo. Alam kong makakaya mo ‘yan. Hindi ibinigay ng Diyos ‘yan sayo para sukuan mo lang,” sabi niya bago ako tuluyang iwan.     Nagsimula ng buksan ang boarding gate. Isa-isa na kaming pumila. Tahimik lang akong sumusunod sa mga tao. Mabigat at kumikirot ang aking dibdib. Hindi na ata ako pinatutulog ng aking konsensya dahil sa ginawa kong malaking kamalian. Pinagsisihan ko naman. Ano ba ang dapat ko pang gawin?     Kaunti na lang mababaliw na ko. Sa totoo lang nabigla din ako ng gawin iyon. Nagpadala ako sa labis na selos at inggit. Nagpadala ako sa pagkagusto ko kay Kuya Elijah. Sinamantala ko ang kahinaan niya. Hindi na nga naulit ngunit nagbunga naman. Sa sobrang gulo ng isip ko noon ay tinakot ko pa si Kuya Elijah na sasabihin kay Ate Aiko na buntis ako. Lumalaki na kasi ang tiyan ko at hindi ko alam ano bang paliwanag ang sasabihin ko dahil hinayaan lang ako ni Elijah sa parteng iyon. Pero hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng suporta sakin pagdating sa pera. Ang kaso hindi na nga lang ganoon kadali at hindi na iyon ang problema ko.       Sa dami ng nangyari. Nawala ang kapatid ko at ang asawa niya. Araw-araw akong hindi makatulog at inuusig ng aking konsensya. Hanggang sa nakunan na ako dahil sa stressed. Wala akong maramdaman. Hindi ko alam kung malungkot ba ko o masaya. Kahit anong pilit ni Daddy kung sino ang ama ay nanatiling tikom ang aking bibig. Ayokong malaman niya.     Kasabay ng pagkawala ng aking kapatid ay mananatiling iyong lihim. Ngayon na bumalik na siya at kasama si Kuya EJ wala ng dahilan para tanggapin nila ako sa kanilang pamilya. Pinaalis ako agad ni Daddy para magtungo sa New York at doon mag-aral. Sa isang pitik lang ng kanyang daliri. Naayos niya lahat. Nagkaroon ako ng matitirhan doon. Mayroon na din akong school.     “Welcome to Philippine Airlines!” bati ng flight attendant pagpasok ko sa eroplano. Ina-assist niya ako sa Business class seat. Tahimik lang akong umupo doon at nakatingin sa labas ng bintana. Nagi-isip kung huli ko na bang makikita ang bansa at hindi na ko kailanman makakabalik pa.     Muli na namang tumulo ang aking luha. Wala naman akong naging kakampi sa buhay kundi ang Mama ko lang. Hindi ako mahilig sumama sa mga classmates ko at ni isa wala akong kaibigan. Takot ako sa tao. Takot ako dahil ayoko makarinig ng panga-asar nila. Takot ako sa panghuhusga. Ayokong makarinig ng masasakit na salita. Mabilis akong umiyak at manghina.     Simula pa noon, hindi ko na kilala kung sino ang aking ama. Six years old ako ng nagdesisyon si Mama na lumipat kami ng probinsya. Hindi ko alam kung anong rason pero kalaunan nalaman ko din ng lumaki na ako at nagiging tampulan ng tukso.     Kahit wala naman akong ginagawang masama. Kahit hindi na nga ko nagsasalita kung ano-ano pa ring masasakit na salita ang binabato nila sakin. Malandi daw si Mama. Wala daw akong Tatay. Putok daw ako sa buho. Hindi ako marunong magtanggol sa sarili kaya sa huli uuwi ako samin ng luhaan. Hanggang sa unti-unti nakikita ng dalawa kong mata ang ginagawang mali ni Mama.     Napatunayan ko ngang tama ang sinasabi nila. Malandi ang mama ko. Pero dahil mahal ko siya ay tinaggap ko pa rin siya ng buong-buo. Tsaka ko naintindihan na ginagawa niya iyon para magkapera. Para may pangkain kami. Para may pangtustos ako sa eskwela. Kaya pala... kaya pala kami umalis noon dahil inaway siya ng asawa ng barangay captain sa dati naming tinitirhan. Ang mama ko ay isa din palang kabit.     Kung sino-sino ang kasama ni Mama simula noon. Akala ko normal lang iyon at halos lahat ng napunta sa bahay na lalaki ay mabait. Pero ng lumaki na ko tsaka nagkaroon ng liwanag ang lahat ng aking nasaksihan at nakita. Dumating sa puntong nagkasakit si Mama. Nagkaroon siya ng Tuberculosis. Wala kaming pera. Wala kaming ibang kamag-anak. Wala dahil lahat sila tinakwil siya dahil sa trabaho niyang hindi maganda.     Halos mabaliw ako sa kaka-hanap ng pera. Mabuti na lang at may tumulong din samin ang gobyerno pero hindi pa rin naman nagawang mabuhay ng Mama ko. Isang linggo bago siya mawala ay nagdesisyon na kong basahin ang sulat na iniwan niya sakin. Sabi niya hindi niya iyon kayang sabihin sakin ng personal. Mahigpit niyang habilin na babasahin ko lang iyon at gagawin ang anumang nakasulat doon sa oras na may mangyari sa kanya.     Gulantang ako sa mga nalaman. Iyak ako ng iyak habang binabasa ang liham na nagbigay ng kasagutan sa matagal ko ng gustong malaman. Liham na bubuo sa aking pagkatao.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD