SYNOPSIS
Contract with the Young Master ( Cordova Vampire Series #1 )
"Don't ever fall in love with the Superior. That's the only one Rule."
If you don't want the contract to be void,
and in order to survive,
Build a strong and unbreakable wall, and don't let your heart fall.
***
Arissa Paige is the breadwinner of the family. S'ya na lang kasi ang inaasahan ng kanyang dalawang kapatid na nag-aaral sa highschool.
Their parents died in a car accident 3 years ago, kaya naman napilitan si Arissa na pagsabayin ang pag-aaral ng kolehiyo at ang pagtatrabaho. Halos gawin na nga n'ya na araw ang gabi, kumita lang ng pera para sa kanilang pang araw-araw na gastusin sa bahay at eskwelahan.
Dahil sa kakarampot na kinikita sa pagiging part time crew sa isang Ministop, naghanap pa si Arissa ng ibang sideline bukod sa pagtatrabaho sa store para may pandagdag sa pangangailangan nilang magkakapatid.
Hanggang sa...
Irecommend ng kanyang katrabaho ang hiring article sa isang site na kung saan naghahanap ng bagong secretary ang hindi n'ya nakilalang young businessman. At dahil sa malaking sahod ay hindi na nagdalawang isip pa si Arissa na mag apply sa nasabing job fair, na once in a life time lang mangyari. Kahit na hindi n'ya pa kilala ang kanyang pagtatrabahuhan.
Parang isang milagro ang nangyari, dahil sa isang daang libong aplikante, si Arissa lamang ang bukod tanging nakapasa para sa final interview. At sa kabutihang palad, natanggap s'ya para sa trabaho.
What if sa pagpasok ni Arissa sa kontratang tinanggap, matutuklasan n'ya ang tunay na katauhan ng pamilyang kanyang pakikisamahan at paglilingkuran sa loob ng apat na taon.
Magawa kaya n'yang makatagal sa puder ng masungit na Young Monster—este Young Master?
Matapos n'ya kaya ang kontrata alang-alang sa dalawang kapatid na umaasa sa kanya?
O, ito pa lang ang simula ng panibagong dagok sa buhay ni Arissa?
Dahil sa pagpirma pa lang n'ya sa kontrata ay binigyan n'ya rin ng pagkakataon ang puso na labagin ang ipinagbabawal na utos. At iyon ay huwag mahulog sa masungit at walang puso n'yang boss...
...na isa palang bampira?
***
Handa ka na bang magpakagat?