CHAPTER 37 THIRD PERSON'S P.O.V MAAGA pa lang ay handa na ang ilang gamit na dadalhin ni Arissa sa pag-alis. Sinadya rin talaga n'ya na gumising ng maaga para makapagluto pa ng breakfast ng kanyang boss at dalawa nitong pinsan. At bago nga s'ya tuluyang lumabas ng mansion, sinigurado muna n'ya nakahanda na ang umagahan nila. Sa susunod na tatlong araw ay ang mga katulong na lang sa mansion ang bahalang magluluto ng kakainin ng tatlo habang wala si Arissa. Ngayon kasi ang day-off n'ya sa trabaho. Uuwi muna si Arissa sa kanilang tahanan dahil miss na miss na rin kasi n'ya ang dalawang nakababatang kapatid. Maghahanap din si Arissa ng trabahador para sa pag-aayos ng bahay nila habang wala pa s'yang trabaho. Sa loob ng ilang buwan ay nakapag-ipon naman na s'ya ng pera para sa pagpapag

