CHAPTER 54 THIRD PERSON'S P.O.V NAPAPIKIT si Arissa nang makaranig ng malakas na ingay mula sa loob ng kwarto. Tila nagwawala ang taong nasa loob niyon at nagpupumilit na makawala sa kadenang nakagapos dito. Inabot din ng ilang minuto ang tinagal ng malakas at marahas na kaguluhan sa loob ng kwarto, bago ito nawala na parang hanging dumaan lang. Dahan-dahang naglakad si Arissa palapit pa sa pintuan. "T-travis?" Walang ingay na maririnig maliban sa mga yabag ng paghakbang n'ya papalapit. Nakapagtataka. Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa ika'tlong palapag ng mansion. Sa sobrang tahimik ay tila nakakabahala at nakakatakot. Katahimikan na para bang nagsasabing pagkalipas nitong isang hindi pangkaraniwang ingay na naman ang magaganap. Natatakot man si Arissa, tinatagan

