CHAPTER 50 PAGLABAS ko pa lang ng kwarto ay naririnig ko na ang mga ingay na nagmumula sa ibaba. Tila may kaguluhang nangyayari roon. Napatingin ako sa orasan ng aking cellphone at madaling araw pa lang. Hindi pa nga tumutunog ang sinet kong alarm na naunahan ko pa ng pag-gising. Pagbaba ko'y nagtanong agad ako kung anong nangyayari kay Kuya Migs nang makita ko ito. "Kuya Migs, anong nangyayari? Bakit kayo nagkakagulo?" "Oh, Arissa. Ang aga mong magising ah." "Naalimpungatan kasi ako at hindi na ako dinalaw ulit ng antok kaya napagpasyahan ko na lang na lumabas ng kwarto. Anong nangyayari? Bakit maingay?" "Nagkaroon kasi ng MALIIT na kaguluhan sa gubat." Kuya Migs emphasize the word 'maliit'. Kapag ganoon ibig niyon sabihin hindi lang basta maliit na kaguluhan ang nangyari sa guba

