Iris Mahigit isang linggo na rin nang makalabas ako sa hospital. Nakakahiya pa nga dahil ang mga magulang pa ni Devron ang nagbayad ng bill sa hospital. Hindi kasi ako sanay na may magbabayad sa akin ng malaki. Ako 'yung tipo ng ng tao na ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. Paano kung sa oras na magkagulo ay baka isumbat niya lamang ang lahat ng naitulong niya sa akin. At sa loob ng isang linggo na 'yon ay si Santino ang nagbabantay sa akin. Hindi pa nga nahihiya at umaalis kahit nandoon na sila Devron. Daig niya pa ang bodyguard sa pagbabantay sa akin araw-araw. Kulang na lamang ay siya ang pumalit sa mga bodyguard na nakabantay sa akin noon. Si Devron naman ay kulang na lang ay ipa-banned na si Santino sa Hospital dahil palagi raw nandoon. At dahil wala kaming maggawa a

