Iris INILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat. Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa? Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako. “Good morning, Wife.” Bulong sa akin ni

