Iris Matapos ang walang kuwentang desisyon na nangyari. Sa huli ay nanalo pa rin si Sebastian habang ang Ama ko naman ay wala ng nagawa. Ako naman ay sobrang sama ng aura dahil maikakasal pa ako ng hindi oras. “Huwag kayong mag-alala. Sa Papel sila ikakasal at kukuha tayo ng pari para mapaniwala natin ang mga taong makakasaksi ng kasal niyong dalawa. 'Diba Sebastian?” Pagtatanong ni Mr Craixon habang nakangiti. Ako naman ay dire-diretso lamang ang paglalakad at hindi iniintindi ang pinagsasabi nila. Mas lalo lamang nadadagdagan ang init at galit ng ulo ko. “Yes po. Also, 'wag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po si Iris.” Narinig kong saad ni Sebastian kaya napangiwi ako at sumakay na sa motor. “Iris sa atin ka dumiretso,” rinig kong saad ni Alfred De Vega habang inaayos ko ang helmet

