Iris Nagising na lamang ako sa amoy gamot ng hospital. Nang tuluyan ko ng imulat ang mata ko ay dumiretso ang tingin ko sa kamay ko dahil may dextrose na namang nakakabit dito. Mahina na lamang akong napasuntok dahil naandito na naman ako. Pangatlong balik ko na dito. Noong una ay halos mamatay na ako sa kamay ni Alfred De Vega, noong pangalawa naman ay iniligtas ko ang Ina ni Devron at ngayon naman ay nabaril na naman ako. “Bwiset na buhay 'to! Ako na lang ang laging nao-ospital, puwede bang iba naman?” Naba-badtrip kong saad at sumandal sa kama. Pero mas lalo pang sumama ang araw at gising ko ng makita ko ang taong pumasok sa kuwarto ko. Nang magtama ang mata namin ay mabilisan ko siyang tinaasan ng kilay at siya naman ay napataas ang kamay na tila sumusuko. “Easy, Iris. Binisita l

