Iris “Omg! Bagay na bagay sa'yo ang wedding dress. Lalong naging dyosa! Paniguradong hindi ka na talaga pakakawalan ni Sebastian kapag nakita ka niya!” Saad ng baklang taga-ayos ko ngayon habang ako naman ay napasimangot. Ang alam talaga ng nag-aayos sa akin ngayon ay totoo ang kasalang magaganap kaya todo ayos siya sa akin. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay napahawak na lamang ako sa wedding gown na suot ko ngayon. Kakaiba ang design na pinagawa ni Sebastian. Puff sleeve off shoulder gown ang nangyaring design. Habang ang baba naman nito ay napapalibutan ng mga diamonds na talagang nakakasilaw dahil kumikinang pa ito. Napahawak naman ako koronang nasa ibabaw ng ulo ko. Maliit ito na akala mo ay isa akong prinsesa na ihahatid sa prinsipe niya. Ang ayos naman ng buhok ay naka-

