Napapikit ako sa dalawang biglaang … flash … Pagmulat ko nakita ko siyang nakangiti sa akin, tapos lumapit siya sa akin .. tapos pinisil yung pisngi ko .. tapos lumakad na siya papunta sa may lababo, at kinuha niya yung isang damit sabay sinuot niya … yellow’black stripe yung damit niya nagmukha na tuloy siyang si NARUTO. Di ko alam kung bakit parang naging bato ako sa mga oras na iyon .. feeling ko namanhid buong katawan ko .. dahil sa gulat? Liwanag ng flash? Pag-pisil? .. ewan ko hindi ko alam. Nakita kong lumingon siya sa akin ngumiti lang siya sabay kindat .. tapos lumabas na siya sa Pinto. Napatingin ako sa sarili ko sa may salamin .. at napatanong ako .. “bakit niya ako pinicturan? … adik ba yun? O naka-rugby lang talaga?” … napahawak ako sa pisngi ko .. “Ang weirdo talaga ng lalaking yun .. sakit kaya ng pagpisil niya!!!” ….
“Bunso ! …”, ringig kong tawag sakin ni kuya vince .. Bigla akong natauhan at bumalik sa realidad. Kumilos ako na parang inaayos ko yung buhok ko para di naman ako mahalata ni kuya na wala akong ginagawa at tulala lang sa salamin … Pumasok siya sa C.R “Oh kuya .. wait lang nagpapapoi pa ako”, pagmamayabang ko .. “Di na yan kailangan bunso .. gwapo na tayo”, siya sabay tungo sa isang urinal .. tapos umihi . Napatingin ako sa salamin kita ang repleksyon ng pinagiihian ni kuya .. dun siya sa may malapit sa akin kaya kita ko siya sa salamin tapos nakita ko yung ano niya. Agad akong napa-alis .. sa harap ng salamin at dali-daling lumabas sa C.R .. “kuya wait nalang kita dito sa labas”, ako habang iniisip ko yung nakita ko kanina. Di ko alam na napangiti nalang ako .. pero’ natatakot ako .. natatakot ako sa ideyang na pinagnanasahan ko nanaman ang isa sa mga kapatid ko .. isa itong malaking KASALANAN ! .. hindi pwede.
“Tara na” … ringig kong sabi ni kuya Vince, habang inakbayan niya ako. Nagsimula na nga kami maglakad at mamimili ng gamit.
Una kaming pumunta sa National Book Store .. Bumili na kami ng mga gamit ko sa skul .. 10- notebook, 4 – G’TEC pen (2-black, 2-red), 1-intermediate paper, 2 set bond paper (1-sort, 1-long), lalagyan ng ballpen, at Oil pastel . Sabi ni kuya yun na muna bilihin namin kasi yun daw yung BASIC .. madali nalang daw kasi bumili ng ibang gamit kung kaylangan man sa skul .. basta sabihin ko lang daw kay kuya. Pagkatapos namin sa NBS .. Agad kami pumunta ni kuya sa SAMSUNG .. natutuwa ako ng sabi ni kuya dun daw kami bibili ng cellphone ko. Tuwang tuwa ako, dahil alam kong maganda mga cellphone dun ..”Pili ka na ..”, ringig kong sabi ni kuya vince. “ako po? ..”, tanong ko. “OO ikaw na pumili ..”, sabi ni kuya .. “kuya ikaw na ..”, sabi ko. Di ko kasi alam kung anu yung maganda ang kalidad. “Sige na nga ..”, sabi niya naman. Basta sumunod nalang ako kay kuya .. tapus pumUnta siya dun sa may pwesto ng magagandang Unit ng cellphone. Tapos nakita q tinawag niya yung .. isang staff tapos tinuro niya yung isang kulay black na phone, “isa nga dito” .. ringig kong sabi ni kuya tapos sumama na siya dun sa lalaking nag-aasisst, pagka-alis nilang dalawa pumunta ako dun sa pwesto nung model na tinuro ni kuya .. nakita ko yung pangalan --------> SAMSUNG GALAXY s4 i9505 . “Wow ganda ..”, ako sabay hinahawan ko yung replikang model ..
“Bunso halika na dito …”, tawag ni kuya. Agad naman ako lumapit at nakita ko hawak niya na yung cellphone ..” testingan natin bunso .. tayo ka dun”, turo niya sa may bandang pintuan. Tumayo naman ako tapos dalawang beses niya ako kinunan ng litrato. Pinakita niya sa akin .. “Wow .. ang linaw”, sabi ko. Tinesting narin namin yung headset , pinalagyan niya narin ng LCD protector .. kaya ang ganda tapos.. binayaran na ni kuya .. nakita ko ang dami nung inilabas ni kuyang pera. “Kuya magkanao to?”, tanong ko .. “27,850 ..”, tapos sabay ngiti siya. “huhhhhhh ano?”, nagulat ako ng nalaman ko kung magkano yung cellphone.
Di prin ako maka-moveon dun sa presyo nung cellphone .. sabi ko kay kuya baka maubos pera niya. Pero sabi niya sa akin .. galing daw yung kay dad at mom, at sabi daw nila bilihan ako ng mga gamit na kailangan ko. Hindi ako naka-angal dahil .. mula naman pala ito kina daddy at mommy at regalo na daw sa akin, sa habang panahon na nahawalay ako sa kanila. “kuya .. gusto ko maka-usap sila dad mamaya”, sabi ko kay kuya. “sige mamaya subukan natin kontakin sila”, si kuya. “salamat .. kuya .. miss ko na kasi sila tsaka gusto ko mag-thank you sa kanila” .. Kahit ang totoo di ko pa sila nakikita ng Personal , naringig ang boses .."Oo", dahil naka-usap ko sa sila sa telepono. Tapos sunod namin pinuntahan ni kuya ay yung bilihan ng mga laptop .. pangako niya kasi sakin na bibilihan niya ako .. regalo niya dahil sa Pagiging Validictorian ko nung graduation :))
------
Tuwang tuwa ako dahil binilahan ako ni kuya ng Apple MacBook Pro, .. kahit mahal ito. Sabi niya naman kasi matagal niya na yung pinag-ipunan para sa akin .. Para daw yun sa mga school research, project at assignment. Ipinangako ko rin kay kuya na hindi masasayang yung mga pinamili niya dahil pag-iigihin ko ang pag-aaral upang makapasok ako sa mga honor student upang matuwa naman sila.
Huli naming pinuntahan ay bilihan ng mga damit …
Marami kaming pinamiling damit, bumili ako ng 5 pantalon ,, puro kulay na may shade ng blue at gray yung pinili ko, pati na rin mga damit .. tapos binilihan din ako ni kuya ng 3 polo pang formal ko daw. Pagkatapos akala ko tapos na yung pamimili namin … Pumasok na din kami sa mga bilihan ng foot wear …7 pares ng medyas, .. At binilihan din ako ni kuya ng sneakers, tsaka black lether shoes para sa pagpasok ko sa lunes.
^________^ .. ang saya saya ko … excited na ako pumasok sa lunes.
“teka wala .. ka pa palang bag” .. naringig kong sabi ni kuya Vince habang kumakain kami sa may isang pinoy restaurant. “meron naman akong bag kuya .. yung luma kong bag ayus na yun”, sabi ko kay kuya. “Hindi pwede … kaylangan may bago karing bag .. kaya bilisan mo na diyan sa pagkain ..”, kuya vince. Binilisan ko nga pagkain pagkatapos pumunta na kami sa may bilihan ng bag .. Binili ko yung pinaghalong black at blue abstract design na JANSPORT BAG at yun na nga yung kinuha ni kuya. Tapos .. nagulat ako ng pumunta kami ni kuya sa mga bilihan ng brief .. ibibili niya daw kasi ako, baka daw kasi wala na akong brief. Napatitig ako sa mga model na nakapost ang picture na nakapaligid sa area ng underwear station. Parang ewan .. ako dahil tinitigasan ako sa mga picture.Lalo na si Tukayo Dennis trillo na model ng Handford brief :)))
“Kuya bilisan mo naman”,Pagmamadali ko sa kanya, dahil di ko na kinakaya yung atmosphere na nararamdaman ko. ‘UloL .. ikaw pumili dito ..”, sabi niya. Ay Oo nga pala kaylangan ako pumili!!! Pumili na nga ako .. at dalawang set kinuha ko, si kuya rin bumili dahil .. luma na daw yung ibang brief niya, Napatawa tuloy ako :D
Dun na nga nagtapos ang pamimili namin at umuwi na kami …
Pag-uwi sa bahay agad kong dinala ang mga pinamili ni kuya sa kwarto at excited akong gamitin at isa-ayos ang mga iyon. Buti nalang wala yung Team panget.. sabi ni manang nasa may club daw .. makikibasketball .. May club daw kasi dito sa subdivision .. nandun daw yung basketball court .. swimming pool at iba pa na pwede sa lahat na nakatira sa subdivision. Si kuya vince daw .. kukunin yung pina-order niyang uniform ko. Nagpapasalamat talaga ako nagkaroon ako ng mababait na kuya .. maliban kay kuya clifford .. di ko ba alam dun .. siguro dala ng pagtanda ang sumpong nun .. hahahhaha.
Inayos ko na yung mga gamit ko sa school sa bag ko, at inayos ko na rin yung mga damit,pantalon, brief, polo at medyas ko sa closet. Yung mga sapatos ko naman nilagay ko na sa gilid. Sinubukan ko na rin yung phone at ang ginamit kong sim card ay yung dati ko. Pagka-insert ko marami akong text na nareceive. Hindi ko muna binasa yung mgatext inexplore ko lang muna yung feature nung cellphone medyo naninibago ako dahil sa touch screen ito, pero ayus lang astig !!
Sunod kong ginamit yung .. MacBook. Hindi ko sanay gamitin yung macBook .. papaturo pa ako kina kuya. Ang lam ko lang dun yung games eh .. yung PLANT V.S ZOMBIE at ANGRY BIRDS .. :-). May WiFi naman sa bahay kaya Want to sawa surfing to pag sanay na ako gumamit :)))
----------------
Gabi na ng dumating sila kuya uno, brenth at topher .. mga pawisan ito. Ako naman sa sala nanonod ng T.V. Lumapit sila sakin .. “Uy si bunso .. di na namamansin .. “, si kuya brenth. Di ko talaga sila pinapansin pero siyempre joke ko lang yun. “ikaw ba naman .. may bagong gamit .. s4 .. tapos MacBook”, si kuya topher naman na parang nang-aasar na. “At dahil diyan … bulba-bulbasaurrrrrrrrrrrrrrrr..”, si kuya uno .. tapos tawanan nanaman sila. “Huy .. kayo nanaman .. nang-aasar nanaman kayo”, paglingon ko si kuya rain tapos may dalawang tatlong box ng pizza. Tapos bigla naman lumitaw si kuya Vince … at si kuya clifford. Magkakasama pala silang tatlo. Ewan ko lang kung nagkasabay lang talaga .. Sabi kase sakin ni Kuya Rain galit daw siya kay Kuya Cliff. Bigla akong bumalik sa paningin ko sa TV dahil di ko kayang tumingin kay kuya cliff .. medyo awkward. Tapos nakita ko nalang siya .. paakyat na sa taas, tapos yun lumingon na rin ako kina kuya. Pagkatingin ko .. wala ng hawak si kuya rain .. tsaka wala na rin yung tatlong .. pokemon .. ibig sabihin siniba na nila yung pizza. Huhhuhuhuhuhuh :C
“Kuya Rain asan na yung dala mo?”, tanong ko .. “Itinakbo nung tatlo sa kusina..”,Nakangiting sabi niya. At siyempre dali-dali na rin akong tumakbo .. gutom na kasi ako eh …. Gusto ko ng pizza!!!. Agad akong pumunta sa kusina at nakita ko nga yung tatlo .. tig-i-isa nilang hinahawakan yung mga karton na may lamang pizza, tapos konti nalang ang laman. “Ang siba niyo naman .. di man lang nanira?”, ako na parang nanlulumo.“hahahahhahahhahahah’, yun lang ang naringig ko sa kanila. Tapos nagulat ako ng tinawag ako nila kuya rain at vince tapos may dala silang doughnut at pizza .. “wow”, tapos agad akong takbo. “Ayan para sayo .. bayaan mu na yung tatlo dun’, si kuya vince sabay ngiti. Nasa sala kaming tatlo ng pinagsasaluhan yung doughnut at pizza ng .. “Ang daya naman !” … ringig ko mula sa likod tapos bumungad yung tatlo, prang mga baliw … na nasa harapan. “kuya vince .. daya naman si bunso may bagong cellphone tapos laptop, si kuya Uno .. “UloL kayong tatlo .. meron naman na kayo ah’’, si kuya rain .. “Gusto namin tulad kay bunso ..”, si kuya topher. “Bulba-bulabasaurrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr”, sabi naman ni kuya brenth na para nanaman inaasar ako. “kuya ohhhhhhhhhhhhhhh …”, sigaw ko.
Tulad ng dati … INikot nanamin ang gabi namin sa Kulitan at Asaran .. sana ganto nalang kami lagi laging masaya … pwera lang kay kuya cliff … sabi kasi ni kuya rain .. “mongoloid”, daw yun si kuya clifford.
Pagka-akyat ko sa taas, agad akong pumasok sa kwarto .. naghilamos ako, dahil pawisan ako galing sa pakikipagharutan. Mahihiga na sana ako ng may nakita akong mansanas sa round table ko sa gilid ng kama, tapos may card na nakadikit dito may nakasulat na : “an apple a day keeps the doctor away” tapos may smiley :-) .. Kinagatan ko yung mansanas ang sarap ,cripy at juicy .. "Si kuya rain talaga .. may pahabol pang apple ..”, alam kong si kuya rain nagbigay nun , siya lang naman ang sweet na ganun sa akin eh.
Bago ako natulog .. chineck ko yung cellphone ko at yung mga text message. Puro lang pala kay milo .. Hindi ko alam kung bakit .. Minark-all ko mesage ni milo, kahit di ko pa binabasa, dinelete ko na ang mga ito. Di ko alam .. parang nawawala na ang presence ni milo sa puso ko … “i don’t know why?", ako sabay kain sa mansanas na ubos na pala.unti-unti ay nauubos ko na :)
KINABUKASAN …..
Kumpleto kami sa bahay, walang pasok sila Kuya Vince, Rain at Cliff.
Tuwing hapon pala ng linggo laging may misa sa may malaking chapel dito sa subdivision. Konti lang ang lalakarin upang marating ang malaking chapel. Alas kwatro daw ang simula ng misa. Kaya nagsimula na akong mag-ayos dahil alas tres na. Magsisimba daw kasi kaming buong magkakapatid. Unang beses kong makaksama si kuya clifford sa pagsakay sa van .. buti nalang siya ang nagdrive dahil di awkward kumilos sa loob ng Van. Ramdam ko parin na di nagpapansinan si kuya rain at cliff .. masakit mang isipin dahil yun sa akin. :(
5 minutes lang ata ay nakarating na kami sa chapel .. marami-rami narin ang mga tao sa oras na iyon. Pagkababa namin nauna na kaming anim na na-upo sa loob dun kani sa pang limang upuan sa bandang kaliwa. Habang nag-hihintay kaming magsimula … ang misa. Naglibot’libot ang paningin ko … Tapos may heart start to beat ng nakita nanaman siya si …. H.G nasa kabilang linya ng upuan kasama yung .. Girlfriend niya. :-( .. Agad kong iniwas ang tingin ko, Bigla naman dumating yung pari at sinumulan na ang seremonya ..
Habang iniisip ko yung nakita ko .. nagulat ako ng biglang may naupo sa tabi ko. Sa tabi ko nalang kasi wala naka-upo at yun nalang ang tanging espasyo na pwedeng upuan .. Tumingin ako sa kaliwang bahagi ko nakita ko sila kuya rain , vince, brenth, uno at topher .. Bigla akong kinabahan kung sino ang nasa tabi ko hindi pa ako tumitingin, dahil tama ang kutob ko na si kuya clifford ang nasa tabi ko.
“Oh .. kuya andiyan ka na pala”, naringig kong sabi ni kuya vince.. Napatingin ako sa kaniya .. nakita ko nakatingin lahat sila sa akin .. yung parang gulat sila. “ah OO ..”, bigla akong kinabahan ng maringig ko lang ang nasa tabi kong nagsalita. Tumingin ako ng bahagya .. si kuya cliff nga ang nasa tabi ko .. nakatingin siya sa harap sa may pwesto na pari ,, at para na siyang nagdadsal … Sobrang kinakabahan ako sa mga oras na yun, Parang di ko kayang kumilos.
Lumipas nga ang minuto nakikinig ako sa mga sinasabi ng pari at inuutos nito, Di ako mapakali sa inuupuan ko parang gusto ko makipagpalit ng upuan kay kuya rain … huhuhuhuhuhuh :( .Nagulat nalang ako ng biglang may sinabi ang pari. “Mga anak may nais akong ibahagi sa inyong texto tungkol sa “Pagpapatawad” “
“ituturo ko Ang Paraang Itinuturo ng Biblia Upang Maging Magaan ang Pagpapatawad ….”
Para akong nagising dahil sa sabing iyon ng pari .. “Pagpapatawad”, sumilay agad yun sa isipan ko .. Naalala ko si kuya clifford at napatingin ako dito .. napatingin din siya sa akin .. Bigla nalang akong napatahimik ng nagsimula ng magsalita ang PARI …
-O-O-O-O-O-O-O-O-O-
Pari :
Isa sa mga mahirap gawin ay ang magpatawad. Ito ay ayon sa maraming mga tao na nagawan ng kasalanan ng kanilang kapuwa. May mga pagkakataong ang sugat na dulot ng sama ng loob bunga ng kasalanan ay malalim. At kapag ang sugat na ito ay hindi pa naghihilom, nagdudulot ito ng ibayong sakit.
Bakit para sa iba ay napakabigat ang magpatawad? Ito ba ang kalooban ng Dios sa ating mga tao?
Paano itinuro ng Biblia ang pagpapatawad? Paano ba magiging madali para sa atin ang magpatawad?
Bago natin sagutin ang mga katanungang ito, pag-aralan muna natin kung ano ang paalala sa mga lingkod ng Dios tungkol sa kanilang mga tungkulin bilang mga kapatid sa iglesia ng Dios?
Isa sa mga pangunahing kautusan sa mga lingkod ng Dios ay ang “mag-ibigan sa isa’t isa.” (1 Juan 3 : 11) Sapagka’t ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na mangagibigan tayo sa isa’t isa: Ang Dios ay pag-ibig, at bilang Kaniyang mga anak, hangad Niyang makita ang pag-iibigan sa isa’t isa. Ang pag-ibig na ito ay hindi dapat pakunwari, kundi dapat na tunay at wagas na iuukol ng bawat isa sa kaniyang kapuwa, gaya ng pagibig niya sa kaniyang sarili. (1 Ped. 1:22) Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa’t isa:
Ito din ang pangaral ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto. (2 Cor. 6:6) Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari. Madaling sabihin na tayo ay may pag-ibig sa kapatid, subalit kailangang patunayan ito sa pamamagitan ng gawa at katotohanan. (1 Juan 3:18) Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
Malawak ang konsepto ng pag-ibig na iniuutos sa atin ng Dios. Bukod sa Dios at sa mga kapatid na dapat pagukulan nito, ang pag-ibig ay hinahanap din pagdating sa pagganap ng tungkulin. Kalakip din ng konsepto nito ay ang kahandaang magpatawad sa kapatid. Ang wika ni Robert Muller, “To forgive is the highest, most beautiful form of love. In return, you will receive untold peace and happiness.”
Bilang pagpapakita ng kagandahang loob at pagiging mahabagin, marapat lamang na tayo ay mag-ukol ng pagpapatawad sa kapuwa. (Efeso 4:32) At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
Magagawa ba nating umibig nang hindi nagpapatawad? At maipapakita ba natin ang tunay na pagpapatawad nang walang pag-ibig?
Hindi tayo makaiibig kung hindi tayo magpapatawad. Sa espirituwal na kalagayan, ang kasabihang, “iniibig kita ngunit hindi kita kayang patawarin” at“pinatatawad kita ngunit hindi kita kayang ibigin” ay imposibleng bagay. Ang pag-ibig at pagpapatawad ay laging magkasama. Hindi maaaring taglayin ang isa at iwasan ang isa.
Gagawin natin ang pagpapatawad sapagkat una tayong pinatawad ng Dios sa ating mga kasalanang nagawa. Kaya kahit masakit ang nagawa sa atin ng ating kapuwa, o di kaya ay ng kapatid, ay pag-aaralan nating tiisin ito. Kalakip ng pag-uukol ng pag-ibig ay ang pagtanggap sa kapuwa at sa kapatid ng kanilang mga kapintasan. Kung tanggap natin ang kapintasan nila, mas magiging madali sa atin ang magtiis at magpatawad. (Col. 3:13) Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.
Kailan nagiging mabigat sa ating mga tao ang magpatawad?
Bakit nga ba nagiging mahirap para sa ating mga tao ang magpatawad? Kung magpatawad man ay mayroong kundisyon, gaya nang “ papatawarin kita pero huwag ka nang papakita pa sa akin.” Sabi nga ni Thomas S. Szasz, “The stupid neither forgive nor forget; the naive forgive and forget; the wise forgive but do not forget.”
Sadyang mayroong mga taong nahihirapan sa pagpapatawad. Lalo na kung ang nangingibabaw sa isang tao ay hindi na ang pag-ibig kundi ang poot o galit.Kapag galit o poot ang nangibabaw, kahit pa kapatid sa laman ay kayang gawan ng masama. (Gen 27:41) At kinapootan ni Esau si Jacob, dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama; at sinasabi ni Esau sa sarili, Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; kung magkagayo’y papatayin ko si Jacob na aking kapatid.
Ang galit at poot ay pumapatay ayon sa Biblia, (Kaw. 27:1) Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw. Kaya kapat ito ang namayani, sa halip na pag-ibig, mahihirapan nga ang tao na magpatawad.
At kapag poot na ang nasa puso ng tao, pawang kapintasan na lamang ang nakikita nito sa kaniyang kapuwa. Hindi na nito nakikita ang kabutihan o ang magagandang bagay na maaaring taglay ng kaniyang kapuwa. (Luk 6:42) O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
Ang wika ng Biblia, kung napopoot na tayo sa ating kapatid, ay wala nang pag-ibig sa atin. At ang ganito ay lumalabas na sinungaling lalo pa nga kung sinasabi niyang iniibig niya ang Dios. (1 Juan 4:20) Kung sinasabi ng sinoman, Ako’y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka’t ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?
Hindi mahirap magpatawad, kailangan lamang ay malaman natin ang paraan kung paano gawin ito.
“It’s not hard to forgive — you just need to know how.”
-O-O-O-O-O-O-O-O-O-
Di ko alam kung bakit .. parang may luhang tumulo mula sa aking mga mata, habang bumbalik sa akin ang sabi ni father na “Paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.”
Nagulat nalang ako sa sarili ko na , kinuha ko na ang panyo ko at pinupunas .. ang luha mula sa aking mata .. Buti nalang hindi ako napapansin nila kuya .. dahil nakatingin sila sa unahan.
“It’s not hard to forgive — you just need to know how.”
“It’s not hard to forgive — you just need to know how.”
“It’s not hard to forgive — you just need to know how.”
Bigla kong naisipan na yakapin si kuya clifford at humingi ng sorry.. pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko kaya kung “paano” .. at di ko rin alam kung kaya niya akong patawarin. Iniisip ko rin .. kong si kuya clifford humingi ng tawad hindi ako mag-aatubiling yakapin at patawarin siya.
Nagulat nalang ako ng sinabi ng pari na tumayo kami at .. “maghawak-hawak ang kamay” …
Hindi ko alam kung susundin ko ang sinabi ng pari .. humawak na ako sa kamay ni kuya rain .., pero ang kanang kamay ko parang di ko maigalaw at ihawak sa kamay ng nasa tabi ko .. nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa kanang kamay ko at .. si kuya clifford yun. Napatingin ako pero .. sa harapan din siya nakatingin habang may sinasabi yung pari .. Di ko alam kung matutuwa ako o mahihiya .. dahil magkahawak na ang aming kamay.
Pagkatapos kinanta na namin yung “Our father” .. habang kaming pitong magkakapatid ay hawak-hawak ang kamay ..
Our Father who art in heaven
hallowed be thy name,
Thy kingdom come, thy will be done
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread
and forgive us our trespasses,
As we forgive those who trespass against us
forgive us our trespasses.
Our Father who art in heaven
hallowed be thy name,
Thy kingdom come, thy will be done
on earth as it is in heaven.
O' Lord lead us not, into temptation but,
save us from evil and the,
Kingdom the power and the ,
Glory forever will be yours.
Pagkatapos .. kumanta ay binitawan na namin ang kamay nang-isat'isa .. Ayaw ko pa sanang bitawan ang kamay ni kuya clifford .. I want to hug him and i want to say sorry .. pero di ko kaya.
Maya maya lang .. may sinabing muli si father ..
"Let us offer each other the sign of peace"
Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko .. pero for the sake of forgiveness kaylangan ko tong gawin
Tumingin sa akin si kuya rain at ako naman sa kanya .. nakangiti pa kaming sinabi namin ang katagang “peace be with you”, sa isat isa ..
At …
Ito na nga … lumingon na ako kay kuya clifford na parang hiyang hiya .. nagulat ako ng nakangiti siya sa akin sabay sabing ..
“peace be with you bunso”