Samara Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng pansamantala akong humiga sa kama para magpahinga. Masyado ko yata namiss ang boardingbhouse ko kaya ganun ako kabilis na nakatulog kanina. “Sam, nandiyan ka ga sa loob?” Si Aling Editha. Mabilis akong bumangon para pagbuksan siya ng pinto. Huminga siya ng malalim ng bumungad ako sa harapan niya. Gabi na pala? “Ang batang are! Jusko, kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo dine pero hindi ka man lang natugon!” Nagkamot ako sa aking ulo saka patay malisya na ngumisi. “Hindi ko hu parinig gawa hu ng napasarap hu yata ako sa pagtulog. Bakit ga hu sana?” sagot ko sa kanya sa salita at tono na Batangueño. Dismayado siyang umiling-iling. “Yoong lalaking pogi na malimit pumarine, kanina pa nagagalit sa labas dahil gustong pumasok dine. Ay tre

