Napakunot ang noo ni Gianna ng makita ang bouquet ng pink roses sa labas mismo ng pintuan ng kanyang kwarto. Yumuko siya para kunin iyon at binasa ang maliit na note na nakasabit sa bulaklak. "*Goodmorning my beautiful lady, I'm sending flowers and food to your home. I heard from someone na gusto mo ng kaldereta kaya nag-effort akong magluto. And if ever na hindi mo gusto ang lasa just text me, I can be your meal. Have a good day!* Napangiti si Gian matapos basahin ang note na pinadala ni Blake. "Kahit papaano marunong din palang magpaka sweet ang gago!" Mahinang sabi nito sa kanyang sarili. Ito ang pinaka gusto niya kay Blake dahil masyadong maintindihan. Kapag niyaya siya nitong lumabas at humindi si Gianna ay hindi na ito nagpupumilit. Parang unti-unti na niyang nararamdaman na nahuh

