CHAPTER 2. SEE YAH AGAIN

1528 Words
Pinili ni Gianna na maging single pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Eros at sa nangyari sa kanila ni Blake. Ilang buwan na rin ang nakalipas at ni minsan ay hindi nagkrus ang landas nilang dalawa.Masaya siya at kuntento ito sa buhay niya kung anong meron siya. Gaya nga ng sinasabi niya, being single is not bothering her. Yes, her life is peaceful without lovelife. Pero hindi niya maiwasang mastress sa lovelife ng kanyang kaibigan na si Louise. Malakas ang kutob ni Louise na may ibang babae ang boyfriend niya. Actually, ilang beses na siyang niloko ng kanyang boyfriend pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maiwan-iwan. Malaki daw kasi ang t**i ni James, kaya hindi niya kayang mapunta 'yun sa ibang babae. Dagdag pa sa nagpapasakit sa ulo niya ay ang kanyang Mommy. Panay labas nito kasama ang kanyang bagong boyfriend. Nag-aalala si Gianna na baka masaktan na naman siya ulit at magmukmok naman ito sa isang sulok. Magkaiba sina Gianna at ang Mommy nito, walang pakialam si Gianna kung iwan siya ng mga lalaki samantala ang Mommy niya panay iyak at inom ng alak na akala mo dalaga. Ang ikinaiinis pa ni Gianna ay sa kanya humihingi ang Mommy nito ng pera para ipanggastos sa lalaki niya. Parang hindi lang nakikita ng Mommy nito na halos nagkakandakuba-kuba siya sa pagtatrabaho para lang may makain sila. "Gian, sige na! Naghihintay na kasi sa akin si Jeremy ngayon. Nakakahiya naman kung papauwiin ko pa." Ang boyfriend niyang si Jeremy ay nasa labas ng condo ni Gianna at naghihintay sa kanya. Bumisita sa kanya ang Mommy niya ngayon sa condo niya hindi para kamustahin siya kundi para humingi ng pera. "Ayaw mo ba akong maging masaya Gianna?! 'Yung Daddy mo nga iba-iba rin ang babae pero hindi ka naman nagagalit." Nakanguso pang sabi nito sa anak. Sumandal si Gianna sa sofa na inuupuan niya at tinitigan ang kanyang Ina ng masama. "Mommy, alam mo naman na hindi ako nagdadamot sa'yo kung sa sarili mong pangangailanga. Pero ano 'yung sabi mo? Bibilhan mo ng bagong sapatos ang Jeremy na 'yun?! Ako nga nagtitiis sa sapatos kong sira na dahil nagtitipid ako." Napakumpas pa si Gianna ng kamay sa harapan nito at tinuro sa Ina ang sapatos niyang sira. "Huwag mong gayahin si Daddy dahil wala naman siyang kwentang Ama," galit na turan nito. The anger that Gianna feels towards her father will still remains in her heart. She's only ten years when her parents seperated. She's witness the sacrifices and struggle of her Mom para makasurvive, habang ang kanyang Ama ay nagpapakasarap buhay sa Bagiuo kasama ang kanyang kabit. Isang doctor ang kanyang Ama at ang Ina naman nito ay guro. Her father didn't even support her, kaya nagsumikap siyang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. Gusto niyang ipakita sa kanyang Ama na kahit wala siya ay kaya nilang dalawa ng Mommy niya. "Ikaw kasi hindi ka naniniwala sa akin na pera lang ang habol sa'yo ng Jeremy na 'yun! Hiwalayan mo na siya Mom!" Inirapan naman siya ng kanyang Ina. "Palibhasa wala kang boyfriend kaya hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko. Kaya ka nga hiniwalayan ni Eros dahil sarili mo lang ang iniisip mo," aniya. Malungkot ang mukha ng kanyang Ina dahil sa ayaw nitong bigyan siya ng pera. Napataas naman ng kilay si Gianna. "Dahil ayoko na matulad sa'yo Mom. Ayaw ko na maranasan kung anong sakit ang naranasan mo kay Dad. I don't want to be married, dahil wala nang bawian 'yun." Napasimangot nalang si Gianna dahil alam niya na kahit ano pa ang kanyang sasabihin ay hindi makikinig ang kanyang Ina. Hindi naman nakasagot ang Mommy niya. Kumuha si Gianna ng pera sa kanyang bag at iniabot iyon sa kanyang Ina. Bigla naman nabuhayan ang mukha nito. "Sinasabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis." Niyakap naman siya ng Ina at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos nu'n ay kaagad na rin siyang umalis. MALAPIT lang ang condo ni Gianna sa Kompanyang pinagtatrabahuhan nito at isa siyang Marketing Director. Magkasama sila sa trabaho ni Louise kaya halos araw-araw ay stress siya hindi sa trabaho kundi sa kaibigan niyang mala Detective Conan. Nag-iisa nalang si Louise sa kanyang buhay kaya naman kahit minsan ay nabubwesit na si Gianna sa kanya ay hindi niya ito iniiwan. Mahal niya si Louise kahit nakakaubos ng pasensiya. Palaging wala sa sarili si Louise na hindi maintindihan. Katulad ngayon na nasa cafeteria sila. Tahimik siya at nakatulala lang sa hangin. Aakalain mo na napaka bigat ng pinagdadaan niya sa buhay at palaging bukambibig niya ang kanyang kasintahan na si James. Minsan naiisip ko na magkamag-anak sila ni Donna. Iyon bang sa Showtime na nagpapatawa at puro si James ang lumalabas sa kanyang bibig. "Louise! Hello! Kung nasaan kaman bumalik kana!" Tawag ni Gianna sa atensiyon ng kaibigan while she keep snapping her fingers. "Louise...Louise!" Finally, napakurap rin ito at tumingin kay Gianna tsaka nagtatanong. "What?" Napabuntiong hininga si Gianna. "Saang kalawakan na naman nakarating ang isip mo? Kanina kapa tulala riyan." Napasinghap naman ai Louise at napainom ng tubig. "Last night, nameet ko ang mga kaibigan ni James. I keep asking his friends kung nasaan nagpunta si James at bakit hindi sila magkakasama." Tila malungkot ang kanyang mukha. "Oh, anong sabi?" tanong ko naman. "Nandoon sa bahay ng isa nilang kaibigan." Malungkot na sabi nito. "Nasa kaibigan lang pala e, ano na naman ba ang iniisip mo?" nakakunot noong tanong ni Gianna. Napakamot naman siya ng kanyang ulo. "'Yung kaibigan niya kasing 'yun napaka babaero nu'n eh kaya wala akong tiwala sa taong 'yun!" naiinis na sabi pa ni Louise. "Ay, judgemental yarn?! Nakilala mo na ba para magsabi ka ng ganyan sa kaibigan niya?!" Taas kilay na sabi naman ni Gianna sa kanya. Hindi na naman ako naninibago kay Louise kasi ganito talaga siya mag-isip at magsalita. "Oo, nakilala ko na 'yun. Gwapo kaya ng kaibigan n'yang 'yun. Kaso nga lang saksakan ng pagiging babaero!" Napasapo sa mukha si Louise habang nagkukwento. "Ayoko na baka mahawaan niya si James, hindi ko matatanggap!" Nagpapadyak pa ito habang nag-iinarte. "Ang OA mo naman Louise. Correction lang ha sadyang babaero lang talaga ng James na 'yun kaya huwag mong isisi doon sa kaibigan niya." Saway naman nito sa kaibigan. "Ano bang pangalan ng kaibigan niyang 'yun?!" Biglang nagkaroon ng interest si Gianna dahil sa mga sinasabi ni Louise. "Blake Vasquez, pangalan palang halatang gwapo na girl di'ba? Kaso nga lang sobrang loyal ako kay James kaya hindi ko pweding magkagusto sa kanya!" aniya. Palihim na natahimik si Gianna. "Blake Vasquez?" Paano niya makakalimutan ang pangalang iyon? "I think Louise is right that Blake is a womanizer. Kaya nga may nangyari sa amin." Napabuntong hininga si Gianna. "Lou, sa panahon ngayon walang gwapo na hindi nagloloko. Kahit nga pangit manloloko na rin kaya sinasabi ko sa'yo ngayon na huwag mong ibigay ang lahat ng pagmamahal mo kay James. Magtira ka para sa sarili mo dahil baka sa huli magiging kawawa ka!" Kinuha ni Gianna ang baso na may lamang tubig at ininom iyon. Pakiramdam niya biglang nanuyo ang kanyang lalamunan ng marinig ang pangalan ni Blake. She used to forget that damn Blake. "Tsaka nga pala Gianna bago ko makalimutan sabi nga pala ni James ay birthday ng isa nilang kaibigan and they celebrate it tonight," ani ni Louise. "Tapos?" Taas kilay na tanong naman ni Gianna. "Sabi niya sa akin yayain daw kita para magkakilala na kayo. Susunduin ka namin sa condo mo mamayang gabi ha." Sasagot pa sana si Gianna pero bigla siyang hinila ni Louise dahil late na raw sila sa trabaho. Sabay silang tumakbo papunta sa elevator para bumalik sa kani-kanilang trabaho. Kapag nasa trabaho sila ang bagal ng oras. Gusto ng umuwi si Gianna para makapag pahinga at manuod ng porn para makapagsarili. She missed how to be groaned and moan kaya dahil sa wala siyang boyfriend siya nalang ang magpapasaya sa sarili. Thankfully, natapos na rin ang kanyang trabaho. Maaga pang natapos ang kanilang trabaho kaya pagkarating niya sa kanyang condo ay kaagad siyang naligo. Nagpalit rin siya ng damit. Nang buksan ni Gianna ang kanyang reef ay nakita nitong kakaunti nalang ang laman. She decided to buy a groceries. Naubusan na rin siya ng chocolate at gustong niyang bumili para may stock. "Chocolate and Cake" Nang makita niya iyon ay kaagad na siyang pumasok. "Sana hindi na old stock ang mga chocolate nila rito," aniya sa kanyang sarili. Umaasa si Gianna habang lumalakad papalapit sa counter. Pumili si Gianna ng chocolate na gusto niyang bilhin. Naramdaman ni Gianna na tila ba may mga matang nakasunod at nakatitig sa kanya mula sa kanyang likuran. Napalingon si Gianna at nakita nito ang isang lalaki na nakatayo at nakapamulsa ang mga kamay. Nagulat si Gianna ng makita kung sino ang lalaking iyon pero hindi siya nagpahalata. Ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa babaeng cashier at binayaran ang mga binili nitong chocolate. Hindi siya nagpanic. Hindi nauutal. Kundi nagtanga tangahan siya sa harap ni Blake Vasquez. Oo, siya. Ang lalaking nakasiping niya noong nalasing siya. The man who f****d her when she's drunk! Blake Vazquez! "Wala pa rin siyang pagbabago he still handsome."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD