chapter 17

843 Words
YOUR grandpa is a romantic guy," sabi ni Lindy kay Rid paglabas ng binata ng banyo. Siya naman ay nagsusuklay ng buhok habang nakaupo sa dresser. Nakapagpalit na siya ng pantulog. Si Rick ay nakapagpalit na ng puting sando at black pajama. Kanina, pagkatapos ng dinner, ay nagkape pa sila kasama si Don Marcelo sa komedor habang nakatanaw sa malawak na hardin. Kita niya ang kagandahan ng landscape ng garden dahil sa mga ilaw. Natanaw pa niya ang pinaliit na replica ng Fontana de Trevi sa isang bahagi ng hardin. The old man "brought" a piece of Rome in their home. "He is." Umupo sa kama ang binata. "He loved my grandma so much. Kung hindi siguro nawala nang maaga si Grandma, sweet pa rin sila hanggang ngayon." Napangiti siya. She knew she shouldn't be thinking about love and romance anymore. Inalis na niya sa sarili ang paghahangad ng mga bagay na iyon. Ngunit hindi niya maiwasang kiligin sa love story ng lolo at lola ni Rick Somehow, she knew there was that part in her heart that longed for love and romance but she had to be realistic. She would not experience that anymore. "Ba't hindi ka naging kasing-romantic ng lolo mo?" Nakita niya sa salamin na nagkibit ng balikat ang binata. "That's a relief, actually. Ayokong maging kasing-cheesy ni Grandpa." "Being romantic isn't being cheesy," pagtatama niya. "It is. Para sa dalawang taong in love, 'romantic' ang tawag nila sa mga sarili nila pero para sa ibang mga taong nakakakita sa kanila, 'cheesy' ang tawag sa kanila." "Sa ibang mga taong tulad mo lang na wala yata ni katiting na romance streak sa katawan." Ngumisi si Rick. "Actually, my body is filled with. romantic streaks." "Hindi romantic streaks ang tawag diyan. Sexual hormones. Raging libido." Hindi nawala ang ngisi ng binata. Humiga na ito sa kama. "Let's sleep now, babe." Tinapik pa nito ang katabing espasyo sa kama. Nanlaki ang mga mata ni Lindy. Magtatabi sila ni Rick sa kama? Marahas ang ginawa niyang paglingon sa binata. "No way!" Tumayo siya. "You are not going to sleep beside me." "Why not?" parang nagtataka pang tanong ng binata She snorted in disbelief. "Because we're not a real couple, hello?" "Come on, wala namang malisya 'to." "Walang malisya?" hindi makapaniwalang gagad niya. Biglang pumungay ang mga mata ni Rick. "Bakit? Meron ba sa 'yo?" Dumako ang tingin ni Lindy sa washboard stomach ng binata na na-expose dahil nakahawi ang sando nito. Kaagad niyang iniiwas ang tingin mula roon. Nakaramdam siya ng pagkailang. Bakit kailangan niyang maapektuhan sa nakita? Hindi na dapat siya naaapektuhan sa mga ganoong bagay. "Hey, are you blushing?" tila nanunudyong tanong ni Rick. Lumapit siya sa binata at dinampot ang unan at hinampas niya ito sa mukha. "Get off my bed!" Bumangon ang binata. "Saan ako matutulog? Hindi tayo puwedeng maghiwalay ng kuwarto. Magtataka si Grandpa Itinuro niya ang lapag. "Diyan sa lapag." Lumarawan ang pagtutol sa mukha ni Rick. "Hindi ako sanay matulog sa matigas na higaan." "Kunin mo ang comforter at ilatag mo sa lapag." "Come on, Lindy, do you really think I will make a pass at you?" Dumako ang tingin ng binata sa tiyan niya. "That big bump doesn't look sexy at all. And you gained a little weight. Unfortunately, pregnancy has ruined your figure. So do you really think your big belly can sexually excite me? Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang lihim na masaktan sa sinabi ng binata. Dapat nga ay magpasalamat pa siya dahil walang pagnanasa sa kanya ang binata. Pero bakit may disappointment siyang naramdaman? Oo nga naman. Bakit ba siya pagnanasaan pa ni Rick gayong buntis siya at hindi na ganoon kaganda ang kanyang katawan kompara noon? Tinutudyo pa rin siya n binata hanggang ngayon dahil gusto lang nitong asarin at pagkatuwaan siya. Wala na nga siguro talagang interes ito sa kanya bilang isang babae. Isa pa ay baka nga isipin ni Rick na may malisya siya rito kaya ayaw niyang makatabi ang binata. Kailangan niyang pumayag para ipakita na wala siyang interes kay Rick gaya ng marahil ay iniisip nito. At baka isipin pa nito masyado siyang nag-iinarte samantalang buntis naman siya. Puwede naman siguro siyang maglagay ng maraming unan sa pagitan nila. Natigil siya sa iniisip nang mapuna kung saan nakatingin si Rick. • "Oh, well, your breasts seem to look bigger now and-" Hindi na naituloy ng binata ang sinasabi dahil pinalo niya ng unan ang ulo nito nang pa-sideways. Napahiga tuloy uli ito at sinapo ang kalahating bahagi ng mukha na natamaan ng unan. Pakiramdam ni Lindy ay namula ang buong mukha niya sa hayagang pagsipat ni Rick sa kanyang dibdib. "Jesus! Now, I'm a battered husband," pagrereklamo ng binata рего hindi naman mukhang galit. Pinanlisikan niya ng mga mata si Rick. "Hindi ka puwedeng matulog sa tabi ko! Kapag hindi ka pumayag, sa ibang kuwarto ako matutulog." "Fine," pagsuko ng binata. Tumayo na ito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang makahulugang ngiting sumilay sa mga labi ng binata na tila ba may iniisip itong kapilyuhan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD