chapter 18

834 Words
NAPANGITI si Lindy nang ma-realize kung gaano kasarap ang posisyon niya nang mga sandaling iyon. Nakaunan siya sa malaking bisig ng isang lalaki na ang kamay ay nakasapo sa kanyang balikat. Ang braso niya ay nakayakap sa matipunong katawan nito. Napakasarap sa pakiramdan ng posisyong iyon. She felt so precious and well-taken cared of as a pregnant woman. Dahil nagbuntis siya nang walang asawa ay hindi niya naranasan ang ganoong pakiramdam. Kahit sinasabi niyang hindi niya kailangan ng asawang mag-aalaga sa kanya sa pagbubuntis ay lihim pa rin niyang iniisip kung ano ang pakiramdam ng may lalaking umaagapay sa kanya sa sensitibong bahagi ng kanyang buhay bilang isang babae. Napakasarap ng panaginip na iyon. Sana ay huwag muna siyang magising. Gusto niyang namnamin ang masarap na pakiramdam na iyon. Kahit sa panaginip lang ay maranasan niya iyon. Kusang gumalaw ang kanyang palad at humaplos sa malapad na dibdib ng lalaki at washboard stomach nito na nadama niya sa kabila ng telang nakatabing doon. Damn, he was sexy. Hindi niya maintindihan kung saan galing ang pakiramdam na tila bigla siyang nag-init nang madama ang katawan ng lalaki sa kanyang tabi. She was not supposed to feel that way. She was pregnant, for Christ's sake! But it was just a dream. So maybe it was okay to feel that way. Kumunot ang kanyang noo nang maramdaman ang paggalaw ng kamay sa kanyang balikat. Masuyong humaplos iyon sa kanyang balat. It felt so nice. Why did it feel so real? Hanggang sa ma-realize ni Lindy na hindi na siya nananaginip. Tuluyan nang humiwalay ang kanyang diwa sa panaginip patungo sa katotohanan. Nagmulat siya ng mata at sinalubong ng pamilyar na abuhing pares ng mga mata ang kanyang paningin. Halos maduling siya sa pagkakalapit ng mukha nila ni Rick. Ngumiti sa kanya ang binata. "Good morning. Did you sleep well?" Pakiramdam ni Lindy ay nanigas ang kanyang katawan kasabay ng pamimilog ng mga mata. Na-realize niyang nakahawak ang palad niya sa dibdib ng binata. Mabilis niyang inalis mula roon ang kanyang kamay. Bumangon siya upang lumayo sa binata. "Ano'ng ginagawa mo sa tabi ko?" she snapped in a controlled voice. Umaktong tila naguguluhan ang binata nang bumangon ito upang umupo. "Hindi ko nga rin alam, eh. Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa tabi mo. Siguro habang tulog ako, nananaginip ako na bumangon ako at humiga sa tabi mo. Hindi ko alam na totoong ginawa ko iyon." Parang siya. Hindi niya alam na totoo palang nangyayari ang nasa kanyang panaginip. Hindi niya alam na totoong nakaunan siya sa bisig ng isang lalaki at hinahaplos niya ang katawan nito. Hindi niya rin alam na si Rick ang lalaking iyon. But was he telling the truth? "I think you were also dreaming a while ago when you made my arm your pillow and started touching my body in a sensual manner," patuloy ni Rick. Kung makatingin ang binata ay parang naghihinala ito na pinagnanasaan niya ito. Pakiramdam ni Lindy ay pulang-pula ang kanyang mukha sa matinding pagkapahiya. "I... I didn't do that eksaheradong pagkakaila niya. "Yes, you did." Bumalik ang ngiti ni Rick. "Don't worry I don't feel violated at all. It's fine with me. You can actual feel my body any time you may want." Napanganga siya sa sinabi ng binata. "I've read in an article on the Internet that pregnant women can still feel sexually aroused. It's pretty normal So don't feel embarrassed. I understand you." "Shut up!" she snapped, panting heavily. Rick grinned. "Come on, let me help you get up from bed." Inialok ng binata ang kamay sa kanya. Hindi niya tinanggap ang kamay ni Rick. "Sa susunod na makita kita sa tabi ko, I will pack my things and leave you immediately," banta niya bago tinungo ang banyo. Sa loob ng banyo ay napasandal si Lindy sa likod ng pinto. Dinama niya ang tapat ng kanyang puso at ang isang palad ay dinama ang kanyang pisngi. Napakalakas ng kaba niya. Napakainit ng kanyang mga pisngi. She really did touch his body! And she could not hide the fact that there was indeed something that stirred in her at the thought of her palm touching Rick's body. Totoo ang sinabi ni Rick na ang mga buntis na babae ay nakadarama pa rin ng s****l excitement. Ngunit sa huling trimester ay nagde-decrease na iyon at tuluyang nawawala She was nearly eight months pregnant. She shouldn't be feeling that way. At bakit kay Rick pa? Bakit sa lalaking iyon pa? Nababaliw na marahil siya. TOTOO ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Lindy habang tinitingnan ang mga larawan sa lumang photo album ni Rick kung saan nakaipon ang mga alaala ng kabataan ng binata. He looked cute and adorable as a baby. Kung ganoon siguro ka-cute ang magiging anak niya ay siguradong wala na siyang gagawin sa buhay kundi ang titigan ang kanyang baby. Naalala niya ang sa tuwina ay pagsasabi ni Rick na magiging kamukha nito ang baby niya dahil ang binata ang kanyang pinaglilihian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD