chapter 19

846 Words
Gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi na ayaw niyang maging kamukha ni Rick ang baby niya dahil talagang nakakagigil sa ka-cute-an ito noong sanggol. "He's very cute, right?" wika ni Don Marcelo. Umangat sa matanda ang tingin ni Lindy. Silang dalawa lang ang nakaupo sa harap ng table sa malawak na veranda sa ikalawang palapag ng mansiyon. Kasalukuyang naliligo si Rick kaya naiwan silang dalawa ng matanda. Kinabahan pa nga siya na maiwang mag-isa sa presensiya ng don dahil baka kung ano-ano ang itanong sa kanya at wala siyang maisagot, o kundi naman kaya ay may masabi siyang makapagpapabuking sa palabas nila ni Rick. Ngunit ang bilin sa kanya ng binata noon ay huwag na lang niyang sagutin ang mga bagay na wala siyang alam. O kung may kailangang ihabi ay gawan niya ng paraan. Basta lamang kailangan nilang maging consistent sa mga kuwento. Tumango siya sa sinabi ng matanda. "When I found out that my daughter was pregnant without a father when she came back from the States, I got really mad and I wanted to kill the bastard who knocked her up," pagkukuwento ng don. "Ilang buwan na tinikis ko si Gemma. I was so disappointed with her. Binigo niya ako Napakataas pa man din ng pangarap ko para sa kanya. Kahit nang ipanganak ni Gemma ang bata, hindi ko sinilip ang anak niya dahil para sa akin ay isa iyong bunga ng kasalanan at habang-buhay na ipapaalala niyon sa akin ang pagkasira ng pangarap ko para sa aking anak. But when I saw the baby he looked like an angel. Natunaw ang galit sa puso ko. Na- realize ko na walang kasalanan ang bata. Pinatawad ko na rin si Gemma. Hindi ko kayang tikisin ang sarili kong anak Tumango-tango si Lindy. Naikuwento na sa kanya ni Rick ang tungkol sa bagay na iyon. "Almost the same case happened again after thirty- one years," patuloy ng don. "This time, kay Rick naman. Itinakwil ko siya dahil sa naging matinding kasalanan niya na hindi ko na nakaya pang palampasin. Alam mo naman siguro na maloko siya sa babae at hindi seryoso sa buhay. Nakuha niya ang katangiang iyon mula sa kanyang ama. I've given up my hope that my grandson would change. Until I learned that he is already married and having a baby. A baby." Ngumiti ang don sabay tapon ng tingin sa tiyan niya. "You see, there's the common denominator. Isang baby na naman ang nakapagpatunaw ng puso ko. So, I therefore conclude that babies are my waterloo." Ngumiti si Lindy nang maluwang. Ngunit ang isip niya sa dahilan kung bakit nagawang itakwil ng don ay naglalaro ang apo nito. Rick had not told her about it yet. Hindi niya alam kung sinasadya ng binata na hindi sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. I'm so happy that my grandson has found a woman like you. Tinanggap mo ang pinagmulan niya at ang nakaraan niya sa kabila ng pagiging disente mong babae. Nagawa mo siyang pagbaguhin. To be honest, I thought Rick was hopeless. Ang akala ko ay hindi na siya kailanman magmamahal ng isang babae. That's why I'm so thankful he found you, hija." "Nagpapasalamat din po ako na natagpuan ko ang apo nyo," magiliw na sabi niya. "He is like a hero to me. Ilang beses niyang iniligtas ang buhay ko." Hinimas niya ang kanyang tiyan. O ang buhay ng anak ko... "Kung hindi dahil sa kanya, wala na siguro ako sa mundong ito. Iyon siguro ang dahilan ko na kung bakit hindi ko tiningnan ang negatibong parte ng pagkatao niya. If he's able to save a life, that only means he's a good person. Your grandson is a good person, Grandpa, despite his reputation with women. At naniwala ako na puwede siyang magbago kung may babaeng magbibigay ng ng tunay na pagmamahal sa kanya. At... ako ang babaeng iyon." Tila siyang-siya ang don sa narinig mula sa kanya. Hindi niya rin inaasahang makakapagsalita siya ng ganoon. May hawig naman sa totoo ang mga sinabi niya, maliban sa pinakahuling pangungusap. Naniniwala naman talaga siyang mabuting tao si Rick. Sadya nga lang napakapilyo. Siguradong marami nang babae ang nagmahal nang totoo sa binata ngunit wala itong minahal ni isa. She felt really sorry for Don Marcelo. Dahil mukhang hindi mangyayari sa totoong buhay ang gusto nito mangyari sa apo. Mukhang walang pag-asang magmahal ng isang babae si Rick. "You don't know how your presence and your child have make me happy, hija. I feel really fulfilled now that Rick has changed and has his own family. And I'm about to have a great-grandson that I thought would never happen anymore. After I see Ezekiel, I can already die in peace. Hindi na ako matatakot na muling atakihin sa puso dahil lahat maiiwan ko ay nasa maayos nang kalagayan." Itinago ni Lindy ang guilt na nadarama dahil sa panlilinlang sa don. Gusto na lamang niyang isip na napapasaya niya ang matanda sa kasalukuyan natutulungan niya si Rick na makasama ang lolo nito sa maaaring nalalabing panahon ng matanda sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD