"I CAN'T believe this is actually happening," wika ni
Lindy habang nakaupo sa tabi ng bintana ng eroplanong
sinasakyan nila ni Rick pabalik sa Maynila.
May balak naman talaga siyang umuwi sa Pilipinas
balang-araw dahil gusto niyang sa Pilipinas lumaki si
Ezekiel. Sa tingin niya ay hindi makabubuting palakihin
niya sa Amerika ang kanyang anak. Hindi niya gusto ang
environment doon. Masyadong liberated. Malaki-laki na
ang naipon niya sa pagtatrabaho sa States kaya binalak
talaga niya ang mag-resign sa trabaho at umuwi sa Pilipinas.
Magtatayo siya ng munting business na palalaguin.
Ngunit hindi niya inakalang mapapaaga ang kanyang
pag-uwi. Gaya ng hindi niya inakalang pumayag siyang
tulungan si Rick sa dilemma nito. Pikit-mata siyang pumayag
na magpanggap na asawang buntis ng binatang playboy
upang maiwasan niya si Alvin at upang mabayaran ang
utang-na-loob niya kay Rick.
Nang makasalubong niya si Alvin a few days ago ay
nalaman niyang mananatili na ang lalaki sa San Diego.
Malaki ang tsansang makakasalubong niya ang dating
nobyo nang ilang beses sa isang buwan. Na-realize niyang
maaaring magtaka ang lalaki kung palagi siyang nakikita
nito na nag-iisa hanggang sa makapanganak. Ipagpapalagay
ng lalaki na iniwan din siya ng "nobyong" ipinagmalaki niya.
And that might boost his ego. And she would look miserable.
In effect na ang maternity leave niya sa ospital ngunit
idineretso na niya sa resignation iyon dahil nagpasya
siyang lumipat sa ibang lugar para maiwasan nga si Alvin.
She decided to move to New Jersey. Ngunit dalawang araw
planong bago ang nakatakdang pag-alis ni Rick ay nanaginip siya.
Napanaginipan niya na nagising na lamang siyang puro
dugo ang pagitan ng kanyang mga hita. She cried for help
but no-one came. Nagtangka siyang umalis sa kama ngunit
nahulog siya at hindi na nakatayo pa. Gumapang siya
patungo sa pinto at palabas ng bahay niya papunta sa pinto
ng unit ni Rick. Kumatok siya nang kumatok doon ngunit
walang sumasagot. Iyak siya nang iyak habang nakaupo at
nakasandal siya sa pinto ni Rick. Naisip niyang mamamatay
na ang kanyang anak.
Paggising ay agad niyang tiningnan ang pagitan ng
kanyang mga hita at ganoon na lamang ang relief na
naramdaman niya nang makitang walang dugo roon.
Gayunpaman ay napakabigat ng dibdib niya nang mga
oras na iyon. Paano na lang kaya ang nangyari kung wala si
Rick at hindi siya nadala ng binata sa ospital noong dinugo
siya o hindi nito naharang ang dulo ng nakarolyong carpet
na dapat ay hahagupit sa tiyan niya? Marahil ay namatay
ang kanyang anak at ngayon ay isa na siyang baliw
sa labis na depresyon. O kaya ay magkaroon ng depekto
kapansanan ang bata dahil sa pagkakahampas.
Naisip niyang may kahulugan ang kanyang panaginip
Baka kaya nanaginip siya ng ganoon ay dahil kailangan
niyang tulungan si Rick. She owed him big. Kahit gaano pa
ka-ridiculous ang gustong mangyari ng binata ay obligasyon
niyang tulungan ito dahil iniligtas nito ang buhay ng anak
niya. She could save an old man's life. She could save Rick
She and her baby could help him.
"If you're thinking about backing out right now, I'm
sorry, but the only way to back out now is to jump off the
plane."
Bumaling si Lindy kay Rick at nasalubong niya ang ngisi
ng binata. She smiled at him mirthlessly. "Magtapat ka nga
Pinakulam mo ba ako?"
"Not exactly kulam. More on 'charm.' I charmed you
She snorted. "You really think your charm could work on me,
huh?
"It could. It did,” he teased. "In fact, you even 'married
me." Itinaas ng binata ang kamay nitong may nakasuot na
wedding ring.
Napatingin si Lindy sa sariling singsing. Kailangan
nilang magpanggap na totoong mag-asawa. Nagpa-rush ng
pekeng marriage contract si Rick kung sakaling kailanganin
Bumili ang binata ng wedding ring para sa kanilang dalawa
bilang props.
"That wedding ring looks good on your finger, Mrs
Evans," patuloy sa panunudyo ni Rick.
"Stop it," asik niya sa binata. "Alam mo kung bakit ako
pumayag sa kalokohan mo. And it's not because I wanted
to be with you. So stop teasing me as if I'm enjoying this."
The more you act defensive, the more you look guilty."
Malaki ang pagkakangiti ni Rick. "I don't think it would hurt
that much to you kung aaminin mo sa akin na nagka-crush ka
sa akin noong una tayong nagkita."
Pinandilatan niya ang binata. "If you don't stop teasing
me like that, I will abandon you at the airport."
Itinaas ni Rick ang mga kamay bilang pagsuko. "All right.
Hindi na. Ang sarap mo kasing asarin. Masyado kang pikon."
Inirapan niya ang binata. "Don't talk to me. I will take
a nap." Pumikit na nga siya.
Hindi pa siya nakakaidlip nang marinig niya ang tinig
ng isang babae.
"Rick?"
or Nang dumilat si Lindy ay nakita niya ang isang
balingkinitang blonde ngunit may malusog na dibdib.
Nakatayo ang babae sa aisle at nakatingin kay Rick.
Mukhang galing sa bandang unahan ang babae at tutungo
lang sa comfort room kaya naraanan sila.
"Hey, Vicky!" masiglang sabi ni Rick. "You're going to
the Philippines, too."