chapter 14

849 Words
"Yeah," nakangiting sabi ng babae. "I'm going to Boracay with my friends. Where are you heading?" "Manila." "Would you like to join us on the beach?" "That would be nice but Manila is far from Boracay." "I see... but it would be great if you could join us. We'll be there for a week, so if you have extra time, you can go there and we'll have some fun like the last time," Titig na titig si Lindy sa Amerikana. Tila nahalata lyon ng babae at na-curious sa kanya. "Is she with you?" tanong nito kay Rick. "She's my..." Tumigil si Rick at tumingin sa Marahil ay para i-check kung gising siya. Sasabihin ba ni Rick na "sister" siya nito gaya ng sinabi sa babaeng nakilala ng binata sa grocery store? Bago pa man gawin ni Rick iyon ay si Lindy na ang nagpatuloy sa sinasabi ng lalaki. "Wife." Itinaas pa niya ang kamay na may singsing para ipakita iyon sa blonde. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng blonde Bumaling ito kay Rick. "You're married?" "And having a baby," dagdag pa ni Lindy, sabay turo sa sariling tiyan. Halatang biglang nasira ang magandang mood ng blonde. Biglang tumalim ang tingin nito kay Rick. "Excuse me." Lumakad na palayo ang Amerikana. "Bye, Vicky," pahabol ni Rick. "Enjoy the beach." Hindi na sumagot ang babae. Nang bumaling sa kanya si Rick ay naniningkit na mga mata ang isinalubong niya sa binata. Mapanudyo ang ngiting sumilay sa mga labi nito. "I like that. A very jealous, possessive wife." She snorted. "Napag-usapan natin na iiwas ka muna sa ibang babae habang 'kasal' tayo. Ayokong lumabas na pinagtataksilan mo ako." "Yes. Actually, I was about to tell her you're my wife if you didn't butt in. From now on, you would have to trust me. Ayokong makita ni Grandpa na wala kang tiwala sa 'asawa' mo. Baka magduda siya at isiping hindi pa talaga ako nagbabago. Remember, he has to see that I've changed." "Fine." "Thank you, babe," bulong ni Rick. Inihilig ng binata ang ulo sa balikat niya. Natigilan si Lindy sa pagkakalapit nila nang husto. Bigla siyang naging uncomfortable na hindi malaman. Iginalaw niya ang balikat at bahagyang itinulak ang ulo ng binata palayo sa balikat niya. "Ano ba? No unnecessary touchings. You agreed on that, right?" "Parang dumantay lang." Bumuntong-hininga si Rick. "Ang sungit talaga ng 'misis' ko." She growled. Why couldn't he just stop teasing her? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Makati, Philippines Hindi inaasahan ni Lindy na maaapektuhan siya sa nasasaksihang pagyayakapan ng maglolo. Marahil ay dahil sadyang emotional ang mga buntis na tulad niya. Naramdaman niya na talagang na-miss ni Rick ang lolo nito. At gayundin si Don Marcelo na nakitaan niya ng mist sa mga mata. It might sound weird but she felt happy while looking it them. Masaya siya para kay Rick. Somehow, she felt relieved that she went there with Rick because the old man seemed really happy to see her, Nakita niya kung paanong kumislap ang mga mata ng matanda nang makita siya at ang malaking umbok ng tiyan niya. Again, I'm sorry for everything, Grandpa," muli ay Tinapik ng don sa balikat ang apo. "I've forgiven you already hijo, because you've changed. Ito ang gusto kong matutuhan mo nang palayuin kita." Tumingin kay Lindy ang matanda. "Ang magtino sa babae at mag-settle down at higit sa lahat ay ang magkaanak." Kumikislap ang mga mata ng don habang nakatingin sa kanyang tiyan. "Sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap kong magkaapo sa tuhod bago pa man ako mawala sa mundo." Napalunok si Lindy. Kaagad na kinain ng guilt ang dibdib niya sa sinabi ng don. Asang-asa ang matanda na apo nga nito sa tuhod ang sanggol sa sinapupunan niya. Bago siya sumama kay Rick ay ikinondisyon na niya ang sarili sa matinding pagpapanggap na gagawin Magsisinungaling siya pero mabuti ang intensiyon ng panlolokong gagawin nila ni Rick sa lolo nito. Kaya kailangan niyang alisin ang guilt sa kanyang dibdib. Kaya lang ay unang eksena pa lang ay parang nginangatngat na ng guilt ang konsiyensiya niya. But she could not back out now, could she? Lumapit sa kanya ang don. Maaliwalas ang mukha ng matanda habang nakatitig sa kanya. "She's my wife-Lindy," pagpapakilala ni Rick sa kanya sa lolo nito. Animo ay proud na proud sa kanya ang binata. I've already told you a few things about her over the phone." "Masaya po ako na makilala kayo," nakangiting sabi ni lindy sa matanda. Pilit niyang pinahupa ang kaba at pinalis ang guilt na nararamdaman. As long as the old man was happy, she had nothing to be guilty about. "Belinda Asilo... You are very beautiful, hija," nakangiting wika ng don. "And you look pretty decent. I'm glad and relieved that my grandson has found a good woman like you. Thank you po, Sir." "Sir"?" gagad ng matanda. "You're my granddaughter- in-law, for Christ's sake. Call me 'Grandpa." "Grandpa," alanganing sabi niya. "Sounds good," sabi ng don. "You will get used to it." Bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. "And... can I touch my future great-grandson, hija?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD