chapter 16

1079 Words
"My grandpa will beat me if he finds out about how I let you treat me like this," patuloy ng binata sa pagsesentimyento. Bigla siyang may naalala. "Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano'ng naging kasalanan mo sa lolo mo." Kaya hindi niya naitanong noong una ay dahil gusto niyang ang binata mismo ang magbukas ng paksa tungkol doon. Kaya lang ay na-curious na siya. Halatang natigilan si Rick at nang makabawi ay bahagyang ngumiti. "I will tell you later. Handa na ang dinner.... Tara na. " ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Tell me how you two met." Tumingin si Lindy kay Rick na katabi niya sa mahabang dinner table. Si Don Marcelo ang nakaupo sa kabisera. Napag-usapan na nila ng binata ang tungkol sa basic and plot ng "love story" nila kung sakaling mag-usisa ang don. Ang sabi ni Rick ay ito na ang bahalang magkuwento ng mga detalye kung sakaling hingin ng matanda ang mga iyon. "I've already told you about how we met, ,Grandpa" sabi ni Rick. And you know it's not like in the movies. We were just two new neighbors who eventually started to like each other: We dated and fell in love. Gano'n lang" Ngumiti na lang si Lindy. Halatang hindi pa nai-in love si Rick. Wala kasing maisip na romantic love story ang binata, kaya isang simpleng "boy meets girl, they fall in love, the end" lang ang istoryang hinabi nito. Kung siya siguro ang gumawa ng kuwento ay baka nai-apply niya ang kanyang nababasa sa romance novels at with feelings ang kanyang pagkukuwento dahil naranasan na niya ang ma-in love "How boring" komento ng don na ngumiti pagkatapos sabihin iyon. "My late wife and I had a very romantic love story. Biglang nagkainteres si Lindy sa sinabi ng matanda kaya hindi niya napigilang mag-react. "Talaga po?" "Yes" tila nasisiyahang sabi ng don. "Can you tell us the story?" curious na tanong ni Lindy. Napuna niyang umasim ang mukha ni Rick. "Come on. I've heard that story a million times already tila pagrereklamo ng binata. Palagay ni Lindy ay naaalibadbaran ang binata sa usaping-pag-ibig. "Your wife wants to hear it" wika ng don. Tumikhim pa ito bago nagsimulang magkuwento sa kanya. "My wife Veronica was a waitress in a five-star hotel restaurant in Rome when I met her. She was very beautiful and I fell in love with her the moment our fingers accidentally touched when she served me a glass of water. But... I was engaged that time to a woman my parents wanted me to marry. It was a political marriage. Hindi ko kayang biguin ang parents ko because I was an obedient son. Nevertheless, that didn't keep me from dreaming about that girl in the restaurant. "Kaya para makita ko siya, palagi akong pumupunta sa Rome kahit wala naman akong pinupuntahan doon. Palagi akong kumakain sa restaurant ng hotel. I never made a move because that would be unfair for the girl because, I was engaged, but I knew she had feelings for me, too. Then one time, while I was walking in the streets of Rome, I saw her standing in front of the famous Fontana de Trevi. I saw her toss a coin in the fountain, closed her eyes and uttered a wish. Immediately that moment, while staring at her, I told myself I couldn't just let her go. "Nilapitan ko siya. At doon na nagsimula ang lahat. I broke off from my engagement and made Veronica my girlfriend, even at first my parents were against our relationship. One year later, we got married. On the day she gave birth to our first child, sinabi niya sa akin kung ano ang hiniling niya sa Trevi Fountain. And you know what She said? Her exact words were 'I wished for you. I wished for your love. And it came true! She cried upon saying that because she was in guilt. She thought the fountain had cast spell on me. Inisip niya na kaya ko siya minahal ay dahil sa kagagawan iyon ng fountain. Ang sabi ko sa kanya, minahal ko na siya noon pa mang una ko siyang makita. She didn't believe me because she said there was no such thing as 'love at first sight.' Hanggang sa mawala siya thirty-three years ago, hindi pa rin siya naniwala na minahal ko talaga siya simula pa noong una ko siyang nakita." Bumuntong-hininga ang don. "Well, if there is really no love at first sight. Then maybe we can put it this way: the heart knows whom it will love soon. My heart probably knew that I would love Veronica soon the moment I saw her. It's like a presentiment or something. Still, I don't think it's the fountain that made me fall in love with her. We were destined to be together. She died still believing that it was the fountain that did the magic between us. Hindi ko siya pinalitan sa puso ko kahit wala na siya para patunayan na walang kinalaman ang fountain sa pag-iibigan namin. And probably by now, wherever she is, I know she believes me now." Napuna na lang ni Lindy na nakatitig na sa kanya ang maglolo. Saka lamang niya na-realize na lumuluha na siya nang abutin ni Rick ng table napkin ang pisngi niya. Kaagad niyang hinila ang napkin mula sa kamay ng binata at mabilis na pinunasan ang mga luha. "Sorry. Na-touch lang po ako. "Sorry. Na-touch lang po ako. That was a wonderful love story." Masyado siyang na-move sa love story nina Don Marcelo at Doña Veronica. Para siyang nakinig ng isang romance novel. She had wished to have a love story as romantic and magical as that. Too bad she never had something like that. Instead, she ended up alone. Rick let out an amused laugh. "My wife has been excessively emotional since she got pregnant," wika ng binata sa lolo nito. "You know, that's only hormones. So she's not actually jealous that we do not have a love story as sappy as yours." Tumawa ang don sa sinabi ng apo. Nakita ni Lindy ang pagbaling sa kanya ni Rick at hinaplos siya sa pisngi. "But, babe, even though we do not have a love story as mushy as that, you know that I love you so much. And that is all that matters, right?" Parang gusto niyang itulak ang mukha ng binata kung wala lang doon ang lolo nito. He was only adding insult to injury by saying lies like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD