chapter 12

1523 Words
She knew there was still a part of her that loved this man whom she was with for three years and with whom sheplanned a future together. Kung magpapadala siya sa damdamin ay maaari niyang tanggapin uli si Alvin kung patutunayan ng lalaki na nagsisisi na ito sa ginawa at siya talaga ang babaeng mahal nito at gustong makasama habang-buhay. Ngunit iba na ang sitwasyon niya ngayon. Pinlano na niya sa ibang direksiyon ang kanyang buhay nang mawala si Alvin sa kanya. May laman na ang kanyang sinapupunan. May anak siya sa ibang lalaki, isang lalaking hindi niya kilala kung sino. Alam niyang hindi matatanggap ni Alvin ang kanyang ginawa. Kilala niya ang ugali ng dating nobyo. He was a perfectionist. Hindi matatanggap ng lalaki na buntis siya at hindi ito ang ama ng magiging anak niya. There was a big chance that he would walk away again once he learned about about Ezekiel. "Honey, I was wrong," patuloy ni Alvin. "I was a big fool for leaving you. I'm so sorry. Please give me another chance. Patutunayan ko sa 'yo na this time, hindi na kita sasaktan. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang-buhay." Umiling si Lindy. "It's too late, Alvin." Halatang natigilan ang lalaki. "W-what do you mean?" Isinara niya ang pinto upang alisin ang chain lock at mabuksan nang tuluyan ang pinto. pregnant?" Namangha si Alvin nang makita ang tiyan niya. "Y-you're Tumango siya. Nakita niya ang tila pagguho ng pag-asa sa ekspresyon ng mukha ng lalaki. "Ilang months na iyan? Who's the father of that child?" Saglit siyang napipilan ngunit kaagad ding nakabawi. "Well... I have a boyfriend," pagsisinungaling niya. "And we're getting married after I give birth to our child." Kailangan niyang magsinungaling dahil kung sasabihin niya kung paano nabuo ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay malalaman ng lalaki na naging desperada siya pagkatapos siyang iwan nito. Hindi niya hahayaang muling magmukhang miserable sa harap ng dating nobyo. Kung tatanggihan niya si Alvin, kailangan niyang palabasin na masaya na siya sa buhay ngayon. Her son had to have a father, or else Alvin would think she had gone crazy for buying sperm. Lumatay ang pait sa mukha ni Alvin. Kung nasasaktan man ang lalaki ngayon ay natitiyak niyang wala iyon sa kalahati ng sakit na naramdaman niya noon nang iwan siya nito para sa ibang babae. "Sino siya?" "Hindi mo siya kilala. Kaya hindi mo na kailangang malaman kung sino siya." Hindi niya inaasahan ang galit na lumarawan sa mga mata ni Alvin. "Malaki na ang tiyan mo. It seems that shortly after we broke up, nakahanap ka agad ng iba." May malisya sa tono ng boses ng lalaki. Bakit parang siya pa ngayon ang pinalalabas nitong unfaithful? Nanigas ang mga panga niya. Inaasahan siguro ng lalaking ito na magmumukmok siya nang matagal bago maka-move on. And the mere fact that he came to her now telling her that he wanted to come back without asking if she was still single guaranteed that he was expecting her to be still in love with him. "Wala ka nang pakialam doon dahil wala na tayo no'n," malamig na wika niya. Tumigas ang anyo ni Alvin. It seemed that his male ego was badly hurt. "Gusto ko siyang makita." Humaba ang leeg nito sa pagsilip sa loob ng bahay niya. She stared at him in disbelief. "What for?" "Gusto kong makita kung ano'ng hitsura ng lalaking ipinalit mo sa akin. What does he do for a living? It seems that he lives here with you. Wala ba siyang bahay? Hindi ka ba niya kayang itira sa sarili niyang bahay?" Was Alvin jealous or he just wanted to raise his ego? Gusto lang bang malaman ng dating nobyo kung nakahihigit siya ito sa lalaking inaakalang ipinalit niya rito? Sasabihan sana niya si Alvin na umalis na nang mapatingin siya kay Rick na tumigil malapit sa kanila. gang Mukhang bagong dating ang kapitbahay niya. Nagpalipat- lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ng dating nobyo nang may kunot sa noo. "What's happening here? Ginugulo ka ba niya, Lindy?" tanong ni Rick na ang tinutukoy ay si Alvin. Tinitigan ni Alvin si Rick. Naningkit ang mga mata ni Alvin at bumaling sa kanya. "Siya ba?" ang lalaki, tukoy kay Rick. Tumingin siya kay Rick. Rick was definitely more handsome than Alvin. Mas matangkad din at mas maganda ang build ng katawan. She could tell by the look in Alvin's face that he was intimidated by Rick's looks but was trying to conceal it. Kung hindi siya tatango ay baka magtanong-tanong pa si Alvin sa mga kaibigan niya kung sino ang lalaki nakabuntis sa kanya at mabuking nitong nagpapanggap lang siyang may nobyo. Kaya hindi na siya nag-isip pa. Inayunan na lamang niya ang iniisip ni Alvin. "Oo. Siya nga ang boyfriend ko," sagot niya, tukoy Rick. "At ang ama ng ipinagbubuntis ko." Bago pa makahuma si Rick ay lumapit na siya sa binata at yumakap dito. "Babe, you're back." Mukhang nakuha naman kaagad ni Rick ang gusto niyang mangyari. Tulad lamang nang pagpanggapin siya ng binatang nobya siya nito sa harap ni Angie. Gumanti ng yakap ang binata. At hindi niya alam kung saan galing ang comfort na naramdaman niya sa loob ng mga bisig ng kanyang kapitbahay. Baka dahil lang for the nth time around ay naroon si Rick para sagipin siya. "Who's he?" tanong ni Rick, tukoy kay Alvin. Inakbayam siya ng binata. "He's Alvin..." "Her ex-fiancé," taas-noong dugtong ni Alvin na kung makatingin kay Rick ay para bang naghahamon. "Oh," kaswal na sambit ni Rick. "So, you're the ex-fiancé Ngumiti si Rick. "Thanks, man, for letting this wonderfun woman slip away. She's mine now." Naramdaman ni Lindy ang pagkintal ng halik ni Rick sa ulo niya. Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Alvin. "I'm Rick, by the way. I live next-door." "I got to go," malamig na wika ni Alvin at lumakad na palayo. Hinila ni Lindy si Rick papasok sa bahay niya. "I'm sorry" wika niya. "Wala akong choice kundi sabihin sa kanyang boyfriend kita at ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko" Is he the father of your child?" Tumango na lang siya. "Ano'ng ginagawa niya rito?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Rick. Umiwas siya sa mapanuring tingin ng binata. "He wanted me back." "Really? At ayaw mo na siyang balikan?" may himig paninigurong tanong ng binata. Ibinalik niya ang tingin kay Rick at umiling. "But it seems that you still have feelings for him." Muli siyang nag-iwas ng tingin sa binata. "Salamat sa pagpapanggap na boyfriend ko, pag-iwas niya sa tanong. "Wala ka talagang planong sabihin sa kanya na anak niya iyan?" ani Rick. Umiling siya. "Anyway, you can go now. Kailangan kong magpahinga Tinitigan siya ni Rick na para bang binabasa ang nasa isip niya. "You take care, huh? Just in case na magkita uli kayo at makita niyang hindi tayo magkasama, sabihin mo na lang na nasa Pinas ang 'boyfriend' mo para sa isang business trip. I'm leaving for Manila next week." "What?" Medyo nasorpresa siya. "Sinabi mo na sa lolo ang totoo? Tinanggap ka na niya uli?" Umiling ang binata, "It's not easy to talk about it over the phone. I will tell my grandpa personally that I'm not married and not having a baby either. Para matantiya ko kung paano ko sasabihin nang hindi makakaapekto sa kanya nang matindi. You know, if he gets angry, at least I'm there physically to appease him o isugod man lang siya sa ospital kung makaapekto sa puso niya ang ipagtatapat ko." "Are you... are you coming back here?" nag-aalangang tanong niya Nagkibit ng balikat si Rick. "Hindi na siguro. I realized na sapat na 'yong mga panahong inilayo ko. Hindi man ako makabalik sa mansiyon, uuwi na lang ako sa condo ko sa Makati para kung may mangyaring masama sa lolo ko anytime, makakapunta agad ako. Kahit ayaw pa niya akong makita." Hindi alam ni Lindy kung bakit tila nakadama siya ng lungkot sa isiping hindi na niya makikita pa ang binata. She still found him annoying but he had been a great help to her. "What is that look in your face?" Nanunudyo ang ngiti ni Rick. "Are you sad because you don't want me to leave and you're going to miss me?" Lindy snorted. "Of course not. Actually, I feel relieved that you're leaving. Wala nang mambubuwisit sa akin at wala na akong makikitang kung sino-sinong mga seksing babaeng palakad-lakad sa hallway." "I will miss you." "I won't." Nanatili pa ring nakangiti ang binata. "Bye." Nang lumabas na ng bahay ang kapitbahay niya ay umupo siya sa couch. Paano kaya tatanggapin ng lolo ni Rick ang totoo? Paano kung sa sasabihin ng binata ay atakihin uli sa puso ang matanda sa labis na disappointment at galit sa apo? Paano kung mamatay ang Don? Baka hindi matanggap ni Rick na ito pa ang dahilan ng pagkamatay ng lolo nito. At si Rick ang sisihin ng mga kamag-anak nitong sinasabi ng binata na hindi nito kasundo. Hindi alam ni Lindy kung bakit kailangan niyang mag-malala para kay Rick. Maybe because he was her son's hero?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD