chapter 9

897 Words
" "Nakabayad na ako sa isang utang ko kanina nang pagpanggapin mo akong asawa mo para palayuin ang isa sa mga naging babae mo." "Iyon ang bayad mo sa unang beses na bigyan kita pabor. May dalawa pa." She snorted. "Fine. Babayaran ko ang mga iyon kapag nangailangan ka ng tulong ko. But that will end there. You must stop doing nice things for me na may kapalit." Ngumiti lang si Rick at binuksan ang glass door ng grocery store para sa kanya. "Baka pati `yang pagbubukas mo ng pinto para sa akin, eh, may kapalit, ha?" she said, mocked him. He grinned. "It's free." "Why, thanks." Sa loob ng grocery store ay isang malaking cart lang ang kinuha nila dahil nagprisinta si Rick na siyang magtutulak at paghihiwalayin na lamang nila ang mga bibilhin nila. Naiilang siya sa ibang mga tao sa paligid na tumitingin sa kanila. Pakiramdam niya ay inaakala ng mga taong mag- asawa sila ni Rick. May narinig pa nga siyang dalawang babaeng nag-uusap sa malapit sa kanila at ang sabi ng isang babae ay ang guwapo raw ng "asawa" niya. At ang sabi naman ng kasama ay maganda naman daw siya at bagay na bagay sila ng "asawa" niya. Alam niyang narinig din iyon ni Rick dahil nangingiti ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ikinokompormiso ng lalaki ang pagiging bachelor nito sa pagsama sa kanya. Tila okay lang dito kahit mapagkalaman na lalaking may asawa. Somehow she thought she was seeing him in a different light. Maybe Rick was not the typical womanizer. Baka nga naman ang mga babae ang parating lumalapit dito nang kusa at nang-aakit sa binata. At bilang lalaki ay wala lang kakayahan si Rick na tumanggi. Dumampot si Lindy ng loaf bread at tatanungin sana si Rick kung gusto rin nito ng ganoon pero nang balingan niya ang binata ay may kausap na itong isang seksing blonde woman na nasa kabilang shelf ng pasilyo. Nang tapunan siya ng tingin ng babae ay narinig niyang sinabi ni Rick na "She's my sister" na ang tinutukoy ay siya. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng babae. Namalayan na lamang niyang kinukuyumos na niya ang ng dulo ng bahagi ng loaf bread sa inis kay Rick. Itinulak niya ang cart palayo dahil baka nakakaistorbo siya sa pakikipag- flirt ni Rick sa babae. She was wrong. Rick was the typical womanizer who seemed to approach every beautiful woman he saw. ng Palabas na siya ng pasilyo tulak ang cart nang ng maramdaman niya ang paghabol sa kanya ni Rick. "Hey!" tawag ng lalaki sa kanya pero hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagtulak sa cart palipat sa ibang pasilyo. "Ba't mo ako iniwan?" tanong ni Rick nang maabutan siya. Tumulong ang lalaki sa pagtutulak pero hinawi niya ito. "Busy ka kasi sa pakikipag-flirt. Wala. akong panahong hintayin kang matapos sa pakikipagharutan sa babaeng yon" paingos na sabi niya. "Bumalik ka na roon" Sa inis niva ay tumawa pa si Rick. You sound like a jealous wife." Pinandilatan niya ang lalaki. "Back off" "Pinaglilihian mo talaga ako dahil sobrang sungit mo sa akin. Magiging kamukha ko talaga 'yang anak mo." "Shut up!" Kahit hindi niya tinitingnan si Rick ay alam niyang nakangisi ito. Kahit ano namang pagtataray at pagsusungit ang gawin niya sa mokong na ito ay sadyang walang kakayahang mainis o mapikon ang binata. Mukhang tuwang tuwa kasi si Rick na nakikita siyang naiinis. Sa paglipat ni Lindy sa susunod na pasilyo ay nakita niya si Maris na namimili rin. Nilapitan niya ang kaibigan at ngumitt kaagad ang babae nang makita siya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkamangha sa mukha ni Maris nang makita si Rick. Tumingin sa kanya ang kaibigan na tila ba tinatanong kung ano niya ang lalaki. "Si Rick," pagpapakilala niya sa pilyong lalaki "Kapitbahay ko." Binalingan niya si Rick. "Si Maris, friend at katrabaho ko." "Hi, Maris!" nakangiting bati ni Rick sa kaibigan niya Nagliwanag ang mukha ni Maris. Naikuwento na kasi ni Lindy sa kaibigan ang tungkol sa pagkaasar niya sa kanyang kapitbahay. "Hindi mo nasabi sa akin na ang gwapo niya pala, bulong ni Maris sa kanya bago tinanggap ang pakikipagkamay ni Rick. "Nice to meet you, Rick! Ba't kayo magkasama? Mukha tuloy kayong mag-asawa." Pinandilatan ni Lindy si Maris. Nang tingnan niya si Rick ay nakangisi ang lalaki. "I'm her 'sister,' actually," sarkastikong sabi niya. "Iyon ang sabi niya roon sa seksing blonde kanina." "Kaya mo ba ako sinusungitan dahil sinabi ko na 'sister' kita?" tanong ni Rick na nanunudyo ang tingin sa kanya. "If I told her instead that you're my 'wife,' wouldn't you be mad?" Umingos siya. Tumawa si Maris.BINUKSAN ni Lindy ang pinto niya nang may kumatok nakita sa peephole ang mukha ni Rick. Seryoso ang mukha ng lalaki kaya na-curious siya at pinagbuksan niya ito. "I need to talk to you," bungad kaagad ni Rick. "This is rather important." Bigla na lang pumasok sa bahay niya ang lalaki bago pa siya makahuma. "Hey! You can't just barge into my house like that," sita niya sa binata, he did not smile a bit or jest her. Mukhang importante nga tlga ang pakay ng lalaki. And to her amazement, Umupo na si Rick sa mahabang couch niya. "We have to talk. Umupo siya sa single couch, tinitigan ang binata. She had never seen him look that serious. "What about?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD