chapter 10

982 Words
Huminga muna nang malalim si Rick bago nagsimulang magsalita. "One year pa lang akong nandito sa States. Sa Pilipinas talaga ako nakatira. As you probably know, I am half American-half Filipino. My mom was a Filipina and my dad is American. My mom died in a car accident when I was barely three. I do not know who my father is. I don't even know his name. He left my mom when she got pregnant and never showed up again. Hindi ko alam kung buhay pa siya. So I was like an orphan when my mom died. However, I was raised by a rich grandfather-mom's dad. He's a business tycoon in the Philippines. I actually worked in our telecommunications company as one of the directors. But last year, I got fired because I made a huge mistake that compromised the image of our company. Galit na galit ang lolo ko sa akin. He said he did not want to see me anymore. So I packed my things and came here. "But just a few days ago, I heard the news from a friend that my grandpa had a heart attack. Fortunately, naka- survive siya. But my grandpa is eighty-five. And his next attack could be fatal. At na-realize ko na ayokong dumating ang oras na mawala siya na may galit pa rin sa akin. I don't want him to die without me around. You know what I'm saying?" Kumurap-kurap si Lindy habang nakatingin kay Rick. Medyo namangha siya sa ipinagtapat ng lalaki tungkol sa tunay na pagkatao nito. Bago rin sa paningin niya ang nakitang lungkot sa mga mata ng binata. Rick was always happy. Hindi niya inakalang ganoon pala ang istorya ng buhay nito. Bumuntong-hininga si Rick. "I grew up without parents and my grandpa wasn't always around for me because he was too busy working. I was raised by a nanny. Kaya siguro ako naging pilyo at pasaway hanggang sa paglaki ko dahil wala akong mga magulang. My grandpa doesn't like my being easygoing and my reputation with women Palagi niyang sinasabi sa akin, kailan daw ako magtitino sa babae? Ilang beses na niya akong inireto sa kung sino sinong babaeng gusto niya para sa akin pero hindi siya nagtatagumpay. He wants me to get married and be a responsible husband and father. Iyon daw ang pangarap niya para sa akin." Nasilip ni Lindy ang guilt sa mukha ni Rick. "Ayaw raw niya akong matulad sa ama ko na iresponsableng lalaki," patuloy ni Rick habang nakatingin sa kawalan. "So... why are you saying all those things to me?" tanong niya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Mataman siyang tiningnan ni Rick. "Because I need you" "Huh?" naguguluhang sambit niya. "Remember when I told you that when the time comes that I'd need your help, obligado kang tulungan ako?" Dahan-dahan siyang tumango habang nakakunot ang noo. "I need your help now. I need you." Bumaba ang tingin ni Rick sa tiyan niya. "And your baby." Nanlaki ang mga mata niya. Hinawakan niya ang pitong buwang tiyan niya. "What do you want from my baby?" Bumuntong-hininga ang lalaki. HABANG naglalakad si Lindy sa gilid ng daan ay nasa isip pa rin niya si Rick at ang kalokohang gusto nitong mangyari. Gusto ng binata na magpanggap siyang asawa nito at pati ang anak na nasa sinapupunan niya ay gusto ring pagkunwariing anak nito at ipakilala sila sa lolo nito. Nagipit lamang daw sa sitwasyon ang binata. At hindi raw nito maiisip ang ganoon kung hindi tumawag ang lolo ng binata na hindi nakausap nang isang taon. May isang empleyado raw na pinapunta si Don Marcelo Pelaez sa Weschester para hanapin si Rick; sa dating condominium building na tinitirhan ng binata ay doon din nakatira si Angie. Kay Angie nalaman ng empleyado don na "may asawa" na si Rick. Sinabi ng taong iyon sa lolo ni Rick ang natuklasan. Ibinigay raw ng best friend ni Rick na si Mart ang mobile number ni Rick sa lolo nito nang magpumilit ang don na makuha ang numero ng apo. Kaya tumawag ang matanda kay Rick ay dahil inakala ng don na tumigil na sa pagiging babaero at nagbago na ang apo. "You wouldn't understand how I was feeling at that moment, Lindy," naalala pa niyang sabi ni Rick. "Noong sabihin ng lolo ko na pinatatawad na niya ako at natutuwa siya na nagbago na ako, there was that surge of overwhelming relief and joy in my chest. Kaya hindi ko na nai-correct ang nakarating na balita sa kanya. Sabi pa niya, bakit daw kita itinago? Bakit ko raw inilihim na may babae na akong sineryoso finally at magkakaanak na ako? He should have known earlier, he said. He sounded so excited to meet you. He seemed so happy. Noon ko lang narinig na natuwa nang ganoon sa akin ang lolo ko. Kaya masisisi mo ba ako? I don't want to disappoint him by saying that the news that reached him isn't true. Baka makaapekto pa sa puso niya yong sobrang saya, pagkatapos ay biglang ilalagpak sa matinding disappointment at frustration. At ako pa ang maging dahilan ng fatal heart attack niya." Nauunawaan ni Lindy si Rick kung bakit hindi nakayang itama ng binata ang maling akala ng lolo nito. Kaya lang ay napakaimposible at absurd ang gusto nitong mangyari. He was asking her to go with him to the Philippines to meet his grandfather and pretend that she and Rick were a happy couple who were about to have a child. Hindi siya pumayag. Kaya naman ilang araw na siyang kinukulit ni Rick. Palagi niyang nakikita ang binata na nakaabang sa labas ng kanyang pinto para pahinuhurin siya sa gusto nitong mangyari. He even offered her money. Lalo lang siyang hindi pumayag dahil nainsulto siya. Sinabi pa ni Rick na ito ang magpapaaral sa kanyang anak hanggang kolehiyo. Pero sinabi niyang kaya niyang pag-aralin ang kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD