chapter 11

1479 Words
s Rick seemed determined and she hated it. How could he be so selfish? Hindi ba naiisip ng binata na maaaring makaapekto sa pagbubuntis niya ang gusto nitong mangyari? Hindi niya ugali ang magsinungaling at manloko na tulad ni Rick. Mai-stress siya kung magsisinungaling siya sa pamilya ng binata at lolokohin niya ang lolo nito. At ang pinakamalaking tanong: hanggang kailan siya magpapanggap na asawa ni Rick kung sakali? Ilang buwan? Aabot ba nang isang taon? Palalabasin ba nilang gusto na nilang maghiwalay after a few months? Pero paano kung tumutol ang lolo ng binata at makaapekto sa kalusugan ng matanda ang paghihiwalay nila? Kailangan ba nilang magpanggap na mag-asawa habang buhay si Don Marcelo? Isang malaking kalokohan. Napasinghap siya nang biglang may humarang sa dinaraanan niya. Si Rick-at mukhang balak na naman siyang kulitin. "Lindy, let's talk." Naggiritan ang mga ngipin niya. "Get out of my way!" Sinubukan niyang lampasan ang binata ngunit umagapay ito sa paglalakad niya "Please, Lindy. I need your help." "Hindi ako papayag sa kalokohan mo," mariing wika niya. "Kaya nag-aaksaya ka lang ng panahon." "Please, Lindy," pagmamakaawa ng binata. "This is the only chance I have para matanggap uli ako ng lolo ko at mapatawad na niya ako sa naging kasalanan ko. Kung malalaman niya na hindi totoo ang lahat at nagsinungaling lang ako, baka hindi na niya ako mapatawad kahit kailan hanggang sa mawala na siya sa mundo." "Hindi maaayos ng isang kasinungalingan ang isang gusot. Bumawi ka sa lolo mo sa ibang paraan. Ipakita mo sa kanya na totoong nagsisisi ka na. Kung ano man 'yong kasalanan mo, mapapatawad ka niya kung totoo sa loob mo ang pagsisisi. Please, 'wag mo kaming idamay ng anak ko sa kasalanan mo." "I saved your child's life. Now, save mine and my grandpa's." Napatigil si Lindy sa paglalakad. Ngayon ay mukhang nanunumbat na ang lalaki. Totoo naman na utang niya rito ang buhay ng kanyang anak at handa siyang bayaran ang utang-na-loob na iyon ngunit hindi sa ganoong ka-absurd na paraan. Nang harapin niya si Rick ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. His eyes were misty. Was he about to cry? Ganoon ba talaga kahalaga sa binata na mapatawad ng lolo nito? "You don't know how my world fell apart when my grandpa kicked me out of his life. He's the only family have. I have an uncle and a cousin but they often treat me more as an opponent to my grandfather's attention and wealth rather than a relative. Nag-effort ako na gumawa ng mga paraan para mapatawad ako ni Grandpa but he stayed firm in rejecting me. Isang taon niya akong hindi kinausap. Isang taon niya akong tiniis. I am missing him so much. Kaya itong chance na ito... ito lang ang chance ko para makabalik sa kanya. So please help me, Lindy. I will kneel at your feet if you like, just help me." Pagkasabi niyon ay bigla na lamang lumuhod sa harap niya ang binata na ikinagulat niya. "Please, Lindy..." Napatingin siya sa paligid at nakita na may ilang taong tumitingin sa kanila. "Tumayo ka riyan." "Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ka pumapayag." He really looked determined. His eyes were begging. Nakadama siya ng habag para sa binata. "Sincerely, Rick, gusto kong mapatawad ka ng lolo mo. Pero hindi ko kayang gawin ang gusto mong mangyari. You are asking me to fool a person. Hindi ko kayang manloko." "Kung makabubuti para sa isang tao ang gagawing panloloko, hindi masama iyon." "Hanggang kailan ako magpapanggap na asawa mo para mapasaya ang lolo mo kung sakali? We couldn't possibly pretend forever." "Kahit hanggang makapanganak ka lang at makasama ni Lolo ang bata kahit isang buwan. Maximum of three months. Pagkatapos niyon, palalabasin nating gusto na nating maghiwalay. Pero amicable ang magiging paghihiwalay natin para hindi masyadong ma-stress si Grandpa.Palalabasin nating pareho nating gusto iyon para walang lumabas na masama sa ating dalawa. Ako na ang bahala kay Grandpa pagkatapos. I will support your son like a real father does until he finishes college." at Umiling-iling siya. "You don't fully understand what you're trying to do, Rick. Napakakomplikado ng gusto mong mangyari. Naiisip mo ba na napaka-unfair sa akin ang gusto mong mangyari? You will tie me up in that difficult situation and I'm pregnant. I'm in a very sensitive situation. Lying and pretending could be too stressful for me and for my baby." Tila biglang may realisasyon na lumarawan sa mukha ni Rick. Tumingin ang binata sa tiyan niya, pagkatapos ay bumuntong-hininga at tumayo na. "I'm sorry. Tama ka. This is absurd. And I was being selfish." Malungkot na tumango ang lalaki at nagpaalam na. Naglakad na palayo ang binata, samantalang si Lindy ay nakatayo pa rin sa spot kung saan siya tumigil. Tinanaw niya ang lalaki na laglag ang mga balikat habang naglalakad Nilukob ng awa ang dibdib niya. After hearing about his life story, kahit paano ay may nagbago sa pagtingin niya sa pagkatao ng lalaki. na Kung tutuusin ay halos pareho sila ni Rick ng sitwasyon sa buhay. Pareho silang wala nang ina at hindi lumaki kasama ang ama. Mas masaklap nga lang ang kaso ni Rick dahil namatay ang ina nito noong nasa murang edad ito at hindi nakilala ang ama. Samantalang siya ay nakasama ang kanyang ina hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. Naranasan niya ang magkaroon ng ama kahit saglit. Nauunawaan niya ang pinagdaraanan ni Rick. Kaya lang ay hindi niya kayang tulungan ang binata sa paraang gusto nito. When she planned to have Ezekiel, all she wanted was to have a quiet life with her son. Hindi magiging tahimik ang buhay nilang mag-ina kung papatulan niya ang gustong mangyari ni Rick. NANLAKI ang mga mata ni Lindy nang sa pagsilip niya sa peephole ng kanyang pinto ay nakita niya ang mukha ni Alvin. Bigla siyang napalayo sa pinto. Bakit naroon si Alvin? Ano ang sadya ng dating nobyo sa kanya? Napapitlag siya nang marinig ang pagtawag ng lalaki sa pangalan niya kasabay ng pagkatok. on." "Lindy, please. I know you're in there. Your lights are on Nag-init ang mga mata niya habang nakatitig sa pintong nasa pagitan nila. Paano nagkaroon ng lakas ng loob si Alvin na pumunta sa bahay niya para harapin siya pagkatapos nitong saktan ang kanyang damdamin at sirain ang kanyang mga pangarap? Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang ikansela ng lalaki ang kasal nila dahil ang sabi nito ay mayroon na itong ibang mahal. Unti-unti na siyang nakakabangon. She was starting to get over him. She wanted to completely get over him. She did not want to see him ever again. Ngunit nang mga sandaling iyon ay makikita uli niya ang lalaking pinagsumikapan niyang kalimutan nang nagdaang mga buwan. Hindi niya alam kung paano ito haharapin. "Lindy... please open the door. I need to talk to you." Ano pa ang sadya ni Alvin? He was not there to come back to her, was he? Or was he there to hurt her some more? Napayuko siya sa kanyang tiyan. Nabalitaan ba ng lalaki ang pagbubuntis niya? For sure, he was not going to think the baby was his. At malamang ay hindi nagtungo roon ang lalaki para tanungin siya kung sino ang ama ng kanya dinadala. Hindi niya malalaman ang pakay ni Alvin kung hindi niya pagbubuksan ang lalaki. At may pakiramdam siyang hindi titigil ang dating nobyo sa pagkatok hangga't hind niya ito hinaharap. Kaya pinakalma muna niya ang galit sa dibdib bago niya binuksan ang lock ng pinto. Pinanatili niya ang chain lock para silipin lamang ang lalaki mula sa maliit na siwang ng pinto. Nakita niya si Alvin na nagliwanag ang mukha nang makita siya. Magkahalong pait at galit ang naramdaman niya nang makasalubong ang tingin ng dating nobyo. "Lindy... let me in. We need to tallk." "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig na tanong niva "Kailangan kitang makąusap." "Mayroon pa ba tayong dapat pag-usapan?" Híndi niya itinago ang galit sa kanyang mga mata. "We have a lot to talk about. Buksan mo muna itong pinto at sa loob tayo mag-usap." "No," mariing tanggi niya. "Kung may sasabihin ka sabihin mo na ngayon." "Lindy.." Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Alvin. "Talk now or I'll shut the door." Nagpakawala ng buntong-hininga si Alvin. "I'm sorry. Lindy. I'm sorry for everything I've done to you." Hindi siya sumagot. "Pinagsisisihan ko na ang ginawa kong pang-iiwan sa yo," he said regretfully. "Nagkamali ako. I shouldn't have left you. I realized... that after all this time, you're still the one I truly love. And I'm willing to do everything para mapatawad mo ako at bumalik ka sa akin.." Hindi niya alam kung ano eksakto ang naramdaman niya nang marinig ang mga sinabi ni Alvin. There was slight triumph, slight anger and slight regret. Sa puntong iyon ay alam niyang hindi pa siya nakaka-recover nang buong-buo sa nangyari noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD