chapter 7

859 Words
She squinted at him. "Nanunumbat ka ba? "Nope. Kailangan ko lang ng kaunting proof of appreciation." "You're not going to ask 'us' on a date, are you? she asked while gesturing to her big belly. Magugulat talaga siya kapag sinabi ni Rick na gusto pa rin siyang maka-date ng lalaki kahit malaki na ang tiyan niya. Rick laughed. "I'm not," tugon ng lalaki. "I'm just saying that one day, kapag ako naman ang nangailangan ng tulong you are obliged to help me." Umangat-angat pa nang saba ang mga kilay nito habang nakatitig sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Fine. Basta lang hindi tungkol sa kalaswaan." He grinned. Amusement was written all over his face. NANG lumabas si Lindy ng kanyang apartment ay lumabas din si Rick sa pinto ng apartment nito. Hindi niya ito pinansin. "Where are you going?" tanong ng lalaki. "Sa grocery store," tugon niya at nagpatiuna na sa paglalakad sa hallway. "What a coincidence. Sa grocery store din ako papunta Sabay na tayo. Buy everything that you need. Ako na ang magbubuhat." "No, thanks. Kaya kong magbuhat," malamig na wika niya. "It's not good for the baby. Six months na 'yan, 'di ba? Bawal ka nang magbuhat." "Hindi naman ganoon karami ang bibilhin ko," sabi niya habang bumababa ng hagdan. "Why are you so cold to me?" nagtatakang tanong ng lalaki. Bakit nga ba? Noong isang linggo ay nakita ni Lindy si Rick na nakikipaghalikan sa isang babae sa hallway ng apartment building nila. Alam niyang dapat ay wala siyang pakialam sa pagiging promiscuous ng lalaki dahil nasa Amerika sila at half American ito pero naiinis pa rin siya. Tuwing nakikita niya si Rick ay parang ipinapaalala sa kanya ng kapalaran na wala nang matinong lalaki sa mundo at kaya siya magiging isang single mother ay dahil sa masaklap na katotohanang iyon. That was why she could face not bring herself to be completely nice to Rick. She hated his womanizing activities. She hated it every time she saw different women coming in and out his apartment. maba "Just because I owe you something doesn't mean we are obliged to be friends." Umagapay pa rin sa kanya si Rick sa paglalakad sa gilid ng daan. Two blocks away lamang ang grocery store at sadyang nilalakad lamang niya iyon kapag papunta roon. Sa pag-uwi na lamang siya nagta-taxi dahil may dala na siya. Sa halip na mapikon sa pagsusungit niya ay ngumiti pa si Rick. "Why are you so hard on me?" "I don't understand why you're even wasting your time talking to me now. Napakarami mong babae. Bakit hindi sila ang samahan mong mag-grocery? For once, you can try spending time with them away from bed." "I tried to but they only want me in bed." Napahinto siya sa paglalakad at binalingan si Rick nang nakanganga Nagkibit-balikat ang lalaki. "What can I do kung katawan ko lang ang habol nila sa akin?" Bumuntong hininga pa ito na tila akala ay nagtatampo sa tingin nito ng mga babae pero halata namang tuwang-tuwa sa sarili. Lindy exhaled in disbelief and shook her head she continued walking. "Mabuti't 'di ka nagkakasakit ginagawa mo." "Hey, I'm always protected. And I never had any history of STD. I practice safe sex." Parang gusto niyang mahilo sa pinag-uusapan nila. "You know what? I don't want to talk about your s****l health or activities right now. You can move away from me bago pa uli tayo mapagkamalang mag-asawa." Marahang itinulak niya sa balikat ang lalaki ngunit binawi rin niya ang kamay dahil naramdaman niya ang malaking biceps nito. Samakatuwid kahit gamitin niya ang buong lakas niya ay hindi niya mapapalayo ang lalaki unless ito ang kusang lalayo. Rick smiled. Bakit ba tila walang kakayahan itong mainsulto o mapikon sa pagsusungit niya? "What's wrong kung mapagkamalan man akong asawa mo?" "You do not look like faithful husband. Ayokong kaawaan ako ng mga taong mag-iisip niyon. Ayokong isipin nila na 'Ah, he's definitely going to cheat on her. Poor pregnant wife. Mas mabuting isipin nila na single mom ako kaysa may asawa nga pero mukhang unfaithful at playboy naman." Rick laughed. "I know that pregnant women are often grumpy. But you are the grumpiest." She scowled at him. "But it's okay 'cause you're the prettiest." Hindi alam ni Lindy kung bakit kailangang mag-init ang mga pisngi niya sa narinig. Alam naman niyang sinabi lamang ng lalaki iyon para tudyuin siya. "Back off." "Hey, I'm not hitting on you, if that's what you're thinking," tumatawang sabi ni Rick. She feighed a smile at him. "Oh, nice! Thanks a lot for sparing a pregnant woman." "Watch out!" Bigla ay nasa harap na ni Lindy ang lalaki at hinawakan siya sa balikat. Tila may tumama sa likod nito. Nakita na lang niya ang chubby na lalaking may hawak na mahabang carpet na nakarolyo. "Sorry!" sabi ng blonde guy. "Sorry, your ass!" iritadong asik ni Rick sa may hawak ng carpet. "You could be more careful, you know." Binalingan siya ni Rick. "Are you all right?" sabi nito, sabay baba ng tingin sa tiyan niya. Hindi nakapagsalita si Lindy habang nakatingin siya sa lalaki. Did he just save her baby again?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD