EPISODE 4

1067 Words
CLARK'S POV Ang lawak ng manggahan nina Ken. Ang daming bunga at halos lahat hinog na kaya abala ang lahat habang tumutulong sa pamimitas ng mga hinog na mangga habang ako nakatingin lang sa kanila. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin, hindi naman kasi ako sanay sa ganitong gawain. Billiard lang naman kasi ang kinaaabalahan ko kapag walang pasok tsaka lakwatsa kasama ang barkada. Habang abala ako sa pagmamasid sa kanila ay biglang may tumulak sa akin pero hindi naman kalakasan. Napalingon ako at nakita kong ang kaibigan pala nilang nerd. "Bakit andito ka lang? Bakit hindi ka tumutulong?" Tanong niya sa akin. "Kailangan pa ba akong tumulong?" Inosente kong tanong. "Hindi. Pero kahit na hindi nila kailangan ang tulong mo, ehh tumutulong ka pa rin," sabi niya. "A-ako? T-tumutulong sa kanila?" "Oo! Napakasaya mo nga kapag tumutulong ka sa kanila," hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Anton? Tumutulong? Hindi ko inaasahan yan, ah. Sa arte nun, marunong din palang tumulong. Ewan ko ba pero lihim akong napangiti sa nalaman ko. "Oh, ano? Tutunganga ka lang ba dyan?" Agad na lumakad si Linda papunta sa grupo kaya napasunod na rin ako. ANTON'S POV Hawak ni Leo ang coins at agad niya itong itinapon paitaas at agad niyang sinalo pagkatapos ay pasalampak na idinikit niya ito sa kabila niyang kamay. Nang ipakita niya ang resulta ay patay ito, since hari ang pinili ko kaya si Leo ang mauunang titira sa laro. Kinuha niya ang cue stick ng larong billiard, seryoso itong pinahiran niya ng chalk ang dulo ng cue stick saka pumuwesto sa gilid ng billiard table at itinuon ang dulo ng cue stick sa target saka tumira. Nagkalat ang mga bola ng matamaan niya ito at napanganga nalang ako nang makuha niya ang target kaya naghiyawan ang mga kasama nito. Tinapik-tapik naman ako ni Mark na para bang sinasabi niyang ok lang yan ..walang-wala yan sa'yo. Sa pangalawa niyang tira ay hindi siya naka-score kaya it's my turn. "It's your turn," nakangiti pang sabi ni Leo sabay lahad ng kamay niya sa direksyon ng billiard table. 'Yong ngiti na parang nanginginsulto. 'Yong ngiti niyang nagmamayabang. Nanginginig ang mga tuhod ko nang nilapitan ko ang isang cue stick sa isang gilid na nakasandal at mas lalo akong nanginig nang mahawakan ko na ito pero pinili ko parin ang sarili ko na maging ok sa mga mata nila. Dahan-dahan na lumapit ako sa billiard table, kinuha ko ang chalk at ikiniskis iyon sa dulo ng stick na hawak ko at pagkatapos ay nagpalakad-lakad ako sa gilid ng table na para bang nagyayabang, nagpapaka-astig kahit na kinakabahan na. Lakad pa rin ako nang lakad, naghahanap ng magandang tiyempo, naghahanap ng magandang pwesto, nagfe-feeling expert pero ang totoo, hindi ko talaga alam kung anong bola ang titirahin! hindi ko alam kung ano ang next target! My god! Ano ba 'tong pinasukan ko? Lahat nag-aabang sa move ko pero kahit ako hindi ko alam kung anong moves ang gagawin ko kaya nagpalakad-lakad parin ako at halos naikot ko na ang billiard table pero wala parin akong ideya sa dapat kong gawin na siyang lalong nagpatambol sa dibdib ko at lalo akong nanginig sa kaba kaya biglang .... "Dude! Are you ok?" Nagtatakang natanong ni Joey. Biglang napuno ng tawa ang loob ng lugar na 'yun dahil kasi sa sobrang kaba ko hindi ko na napansin ang paa ni Leo na nakaharang sa daanan ko kaya hindi sinasadyang napatid ako sanhi ng pagkadapa ko at muntik pa akong napasubsob sa sahig. Buti nalang at agad na lumipat sina Mark, Joey at Romir. "Are you ok? Can you stand with your own?" Nag-alalang tanong ni Romir. Inalalayan nila akong tumayo at agad akong napatingin kay Leo nang humagikhik ito ng tawa. "What's wrong? Hindi ka pa nga nakatira, para ka ng inatake sa puso. Can you still do it?" Nakangiti nitong tanong. Tumindig ako ng maayos, inayos ko ng mabuti ang damit ko na medyo nalukot at muling nagpapaka-astig. Bahagya akong nagbend sa gilid ng table at pinuwesto ko ang cue stick at ang kamay ko. Maya-maya lang ay napalingon ako sa gilid ko nang makarinig ako ng hagikhik. Ano na naman ba ang itinatawa nila? Agad na lumapit si Romir at inayos niya ang position ng mga daliri ko. Napapikit nalang ako sa hiya. Di ko akalain, pati sa daliri may saktong position din pala ito. Paano ko naman malalaman 'yun eh hindi ko naman laro 'to. "Relax, Dude. I'm sure, you'll win it," bulong ni Mark sa akin saka nila ako iniwan kaya lalong kumabog ang dibdib ko. Nang maayos na ang lahat, ready'ng ready na akong tumira. Intense na intense na ang temperature sa lugar na 'yun. Lahat sila nakatingin, nakaabang, titig na titig. Para silang nanonood ng isang laro na ilang seconds nalang ang nalalabi para maipanalo ang laro ng kinakampehan nilang manlalaro. Heto na ako. Titira na ako at bigla kong tinira ang bolang tinatarget ko kahit hindi ko alam kong iyon ba ang dapat tirahin kasabay nun ay ang pagpikit ko. Pagkatapos kong tumira ay biglang humagalpak ng tawa ang halos lahat ng nandoon kaya dahan-dahan akong dumilat. Pagkadilat ko, napatingin ako sa mga bola saka ako muling napapikit sa hiya kasi ang mga bola na nasa harapan ko ay walang nagbago, kung ano ang position nila nung bago ko pa sila tinira ay ganun parin pagkatapos kong tumira. In short, ni isang bola wala akong tinamaan!! Napalingon ako sa tatlo, blangko ang facial expressions ng mga 'to. Dahan-dahan akong tumayo. Agad na pumuwesto si Leo para sa tira niya at unang tira ay tumama siya kaya sayang-saya ng mga kasama niya hanggang sa nauubos niya ang bola. First round, talo ako! Ano pa nga ba ang aasahan sa taong katulad ko na walang alam sa pagbi-billiard? "Another round?" Paghahamon nito ni Leo. "Ok," napanganga na naman ako nang pinatulan ni Mark ang paghahamon ni Leo at sinang-ayunan rin ito nina Joey at Romir kaya wala akong nagawa, tuluyan akong napasubo kahit pa ayaw ko na talaga. Bawat tira ko, katumbas naman 'yun ang kahihiyan ko. Minsan, hindi ko natatamaan ang mga bola o di kaya ay ibang bola ang maipasok ko. Hindi ko maiwasang tingnan ang tatlo kapag nakatira na ako, nakikita ko kung paano hampasin ni Joey minsan ang sarili niyang noo. Si Mark naman, minsan ay napapatalikod nalang at si Romir, napapapikit nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD