EPISODE 6

1221 Words
ANTON'S POV Napasalampak sa sofa sina Joey, Romir at Mark sa loob ng Bar kung saan naka-VIP kami. Parang namatayan ang mga mukha. Sino ba naman kasi ang hindi manghihina sa nangyari ehh, malaki-laki rin ang natalo nila sa pustahan kanina sa billiard dahil sa akin? "I really can't believe of what happened earlier . Dude, did you do it on purpose?" Tanong ni Romir. Purpose? Ehh, sadyang hindi talaga ako marunong maglaro nu'n. "Ahh, marami naman kayong pera eh. Bakit kailangan niyo pang manalo?" Idinaan ko na lang sa biro ang lahat. "It's not about the money. It's all about your dignity as a good billiard player," sabi ni Romir. "Yeah! Nasan na ba 'yong the moves mo na dati ginagawa mong alas para talunin ang kalaban?" Tanong ni Joey. Gusto kong mahiya at the same time, tumawa kasi hanapan ba naman ako ng mga the moves ko raw, eh wala talaga ako nu'n. "Oo nga! Asan na 'yong the moves mo na nagpapatili sa mga babae kapag naglalaro ka?" Sabad naman ni Mark. "Buti na lang walang mga chiks na nanonood kasi kapag nagkataon, bad shot ka talaga sa kanila," singit naman ni Romir. Ganu'n ba talaga ka-popular ang Clark na'to? Sa mga sinabi nila lihim akong napangiti. Bakit kaya hindi ko gagamitin ang katawan ni Clark para isagawa ang nais kong paghihiganti? Sisirain ko ang pangalan at pagkatao ni Clark at kapag nagawa ko 'yun at malaman ng kanyang ina I'm pretty much sure na masasaktan ko siya. "Maghiganti tayo," napatingin ako bigla kay Joey dahil sa sinabi nito. "How?" Tanong naman ni Mark. "Ang labanan kanina, si Leo ang naghamon nu'n. This time, tayo naman ang maghamon," suhestiyon ni Joey. "Awesome!" Bulalas ni Mark. "This time..." tumingin sa akin si Mark, "...patataubin mo na siya, Dude para masabi niyang ikaw talaga ang the king pagdating sa billiard." "At para masabi rin niya na pinaglalaruan mo lang siya kanina," dugtong ni Romir. "exactly!" Sigaw ni Joey. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo habang patangu-tango naman sila bilang pagsang-ayon sa ideyang nabuo. Kailangan ko na naman bang lumaban sa labanan na hindi ko gusto? Ano bang klaseng barkada ang mayroon si Clark? Sigurado, another kahihiyan na naman 'to. NAPAHINTO sa tapat ng isang bahay ang kotseng mimamaneho ni Joey. Sa mismong tapat ng bahay nina Clark. "Salamat sa paghatid," sabi ko nang makababa na ako. "Huwag kalimutang sabay tayong magpa-enroll sa Monday," paalala ni Mark. Tumangu-tango na lang ako saka na sila nagpaalam na umalis. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka na ako pumihit paharap sa bahay ng mga taong may kinalaman sa pagkasira ng pamilya ko, pagkawala ng sarili kong ama. Gusto kong lumisan sa lugar na ito pero may iba pa ba akong mapupuntahan maliban dito? Hindi naman ako pwedeng umuwi sa amin dahil hindi ko sariling katawan ang gamit ko ngayon at sigurado akong wala ring maniniwala kapag sinabi ko ito sa mga kaibigan ko. At dahil no choice na ako, dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng gate. Nang makapasok na ako ay napahinto ako at napatingin sa kabuuan ng bahay. Ayokong mananatili ako dito habang buhay. Alam ko one day, lilisanin ko rin ang bahay na ito at habang hindi pa 'yun nangyayari, isasagawa ko ang binabalak kong paghihiganti. Naagaw ang pansin ko nang makita ko ang isang babae na nasa 14 o 15 ang edad nito na tumatakbong palabas ng bahay papunta sa akin habang malalapad ang ngiti niya sa mga labi. It's Jane, ang nakababatang kapatid ni Clark. Nang makalapit na siya ay walang kaabog-abog na yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Kuya, miss na miss na kita. Sobra!" Sabi niya saka siya bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Kumusta kana?" Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ang napaka-inosente niyang ngiti ay nagbibigay ng kung anong hindi ko maintindihan na pakiramdam. Siguro dahil lang 'yun sa wala akong kapatid na dati ay pinapangarap ko talaga. Naalala ko pa nga noong buhay pa si papa, habang nagse-celebrate kami noon ng ika-6 ko na kaarawan ko ay hiniling ko na sana magkaroon rin ako ng kapatid pero hindi ako napagbigyan sa hiling na yun dahil hindi nagtagal, nawala si papa sa amin. "Kuya?" Bigla akong bumalik sa tamang huwesto dahil sa pagtawag sa akin. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko saka siya iniwan. Dumiretso ako sa kwarto ni Clark. Ini-lock ko iyon saka ako umupo sa gilid ng kama. Nagmumuni-muni. Maya-maya lang ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Maganda, may sariling banyo. Malambot ang kama pero medyo magulo. Siguro nga ganu'n talaga ang mga lalaki. Hindi na bale para sa kanila kung magulo ba ang kwarto nila o hindi basta magawa lang nila ang gusto nilang gawin. Binuksan ko ang cabinet niya, halo-halo ang mga damit na nandoon. Wala rin siyang ka-taste taste sa kulay ng kwarto niya. Sinilip ko rin ang mga drawers niya. Ang gulo-gulo! Napukaw ang atensyon ko nang mabuksan ko ang isa niyang drawer where he put his underwears. I picked one then binukadkad ko 'yon saka lang nag-iba ang timpla ng mukha ko. Do I need to wear this? Kumuha pa ako ng isa pa matapos kong ihulog sa sahig ang nauna kong kinuha. Pare-pareho lang ang mga underwears niya. May iilan ring boxer shorts na nandoon. Ano ba 'tong buhay na napasukan ko? Dali-dali akong pumasok sa banyo. May bathtub, may hot and cold shower din pala siya. Napatingin ako sa salamin nang maagaw ang atensyon ko. Dahan-dahan akong lumapit habang nakikipagtitigan ako kay Clark. Oo, si Clark ang nakikita ko at hindi ang sarili ko. Hindi ko talaga ma-imagine na ganito na pala ang mukha ko ngayon. Dahan-dahan na hinubad ko ang suot kong damit saka ko lang nalaman na may 6packs din pala ang mokong na'to. Eh, ano naman kung may 6 packs siya? Wala namang magbabago. Siya parin ang Clark na isa sa mga gusto kong paghihigantihan. Pero ang pinagtaka ko lang, bakit ba may iilang kababaihan talaga na parang mababaliw kapag nakakita ng abs? Ano bang mayroon sa abs? Hindi naman siguro ganun yun ka-importante ang pagkakaroon ng abs, di ba? Isa pa, kahit may abs ka man o wala , wala namang magbabago. Bakit kapag ba walang abs ang isang lalaki, nababawasan ba ang kanilang p*********i? Hindi naman siguro. Basta para sa akin, hindi na mahalaga kung may 6packs ba ang isang lalaki o wala, ang mahalaga dun ..mahal ko siya, mahal niya ako at ako lang, wala nang iba pa. Ako lang talaga. Tinusok-tusok ko ang tyan niya, infairness matigas. May kung anong kalukuhan ang pumasok sa utak ko at napagtripan kong hubarin ang pang-ibaba kong suot. Pinagmasdan ang sarili sa salamin, napanganga! Nanlaki ang mga mata dahil sa nakita! Bigla akong napasigaw kasabay nang pagpikit ko sa aking mga mata. Ayokong tingnan. Ayoko! Ganito pa talaga ang ano ng mga lalaki, ano? My god! Makasalanan na talaga ako nito. Hinagilap ko ang tuwalya sa gilid ko banda habang nakapikit ang mga mata. Nang mahawakan ko na iyon ay agad ko itong hinila at agad na itinakip sa ibabang bahagi ng katawan ko, saka lang ako nakahinga nang malalim. Pinuno ko ang bathtub ng tubig at nilagyan ko iyon ng scented soap saka nilublub doon ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD