EPISODE 21

1390 Words
ANTON'S POV Gaya nga ng pinag-usapan namin ni Clark na magtulungan kami para sa darating na event ay lagi kaming nagkikita kapag vacant time namin para paghandaan ang incoming competition. Tinuturuan niya ako at tinuturuan ko rin siya. Ganito kami every vacant time namin at minsan nga kahit pa weekend, sa bahay lang kami nina Lani nagkikita kapag weekend, doon niya ako tinuturuan at kung tuturuan ko naman siyang magpaint ay doon kami sa glass house ni Papa. Oo, may glass house si Papa na medyo may kalayuan sa bahay. Doon ako nagpi-paint. Doon ko rin ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob at ang mga panahon na namimiss ko siya. "Tagal mo naman." Reklamo niya isang araw nang pagdating ko sa school library ay andu'n na siya, naghihintay at mukhang bagot na bagot na. Agad akong umupo sa harap niya. "Sorry. Ang tagal kasi naming dinismiss ni prof," sagot ko naman. "Sagutan mong lahat ng 'yan," sabi niya sabay abot sa akin ng isang piraso ng papel na may lamang 5 problems. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ito. "Ito? Sagutan ko 'tong lahat?" Tumangu-tango siya habang nakayuko sa librong binabasa niya. Napanganga ako, papaano ko masasagutan 'to eh hindi naman niya ako tinuruan kung anong formula ang gagamitin ko. Diyos ko! Ano bang tingin niya sa akin kasing talino niya o mas matalino pa kaysa kay Albert Einstein? "Ahh, pwede bang ...ituro mo muna sa akin step by step kung paano sasagutan ang ganitong problems para naman may ideya ako at ------." "15 minutes ...you can answer that within 15 minutes," putol niya sa iba ko pa sanang sasabihin. "Ano?! 15 minutes?!!" Sigaw ko sabay tayo kaya agad siyang napaangat ng mukha. "Ssshhhhhhhh," saway niya sa akin kasabay ng paglagay niya ng kanyang hintuturo sa kanyang bibig bilang senyales na kailangan kong tumahimik. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong nakatingin sa akin ang ibang studyanteng nandoon ng mga oras na 'yun. I slightly bow down my head as an apology for what I've done saka dahan-dahan na muling umupo. Muli na namang ibinalik ni Clark ang kanyang atensyon sa kanyang binabasa. "Seryoso ka ba? Within 15 minutes lang?" "Kapag hindi mo nasagutan ang lahat ng 'yan sa loob ng 15 minutes..." tumingin siya sa akin, "...mag-isip ka na kung anong klaseng pagkain ang ililibre mo sa akin." "What? Are you kidding? Hindi naman yata-----." "Your time starts now," sabi niya saka muling yumuko sa librong binabasa. Gusto ko pa sanang magreklamo pero wala na akong magawa. Nainis talaga ako nang sobra. Nang akmang batukan ko sana siya ay bigla naman siyang nagsalita. "Instead of doing that..." muli siyang tumingin sa akin, "...magsimula ka nang sumagot." Inirapan ko na lang siya saka dahan-dahan na ibinaba ang kamay ko na ibabatok ko sana sa kanya. Muli kong tiningnan ang mga problems na ibinigay niya. Pilit kong paganahin ang utak ko dahil baka may makikilkil pa ako pero wala eh, sadyang ipinanganak talaga akong bobo pagdating sa ganitong sitwasyon. Sadyang wala talaga sa lahi namin ang mahilig sa numbers. Si Mama, sa English naman magaling 'yon. Si Papa naman, pagdo-drawing ang talent nu'n. Sinubukan kong sagutan ang lahat ng ibinigay niya sa loob ng 15 minutes pero maka-ilang beses ko nang ibinagsk ang noo ko sa mesa ay wala pa rin talaga akong maisulat, kung meron man, hindi ko rin alam kung tama ba ang sagot ko o mali. Pakiramdam ko, nahihilo na ako sa daming numerong pumapasok sa utak ko. Hay, anong mangyayari sa akin sa darating na event? "Your time is up," sabi niya after 15 minutes at dahil sa frustration na nararamdaman ko, muli kong ibinagsak ang noo ko sa mesa, hinila naman ni Clark ang papel na sinulatan ko ng mga sagot ko. Chineck niya iyon saka muling ibinalik sa akin. Tiningnan ko ang papel na sinagutan ko habang nakapatong sa ibabaw ng mesa ang chin ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lahat ng items ay binilugan niya signs na mali lahat ng sagot ko. "Ihanda mo na ang wallet mo dahil ililibre mo 'ko," sabi niya at muli ko na namang isinubsob ang mukha ko sa mesa habang parang batang iiyak na. Maya-maya lang ay naramdaman ko si Clark na lumipat ng upuan at umupo ito sa tabi ko, "Let me teach you how to answer these questions. Here." Napaangat ako ng ulo at tiningnan ko ang mga ginagawa niya. Habang ipinapaliwanag niya sa akin kung paano kunin ang tamang sagot at kung anong formula ang mas mainam na gamitin ay lalo akong na-amaze sa kanya. Grabe! Ang galing talaga niya! Kaya pala, walang duda na siya ang champion last year kahit pa ang daming matatalino sa department nila. Habang patuloy siya sa pagtuturo ay hindi ko maiwasan ang lalong humanga sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya habang seryoso siyang nagpapaliwanag. Napatitig ako sa mukha niya, galing sa noo patungo sa tungki ng ilong niya, sa cheeks niya hanggang sa umabot ang mga mata ko sa mga labi niya. Tumagal ang mga mata ko doon. Napapangiti ako sa bawat kibot ng mga labi niya, may kakaibang kiliti itong hatid sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng imagination ko nang biglang ... "Aray! Ba't mo pinitik ang noo ko?" Reklamo ko at inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya saka nagsalita. "Pinagpapantasyahan mo ang sarili mong katawan," sabi niya at agad ko siyang nilingon kaya nagtagpo ang aming mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko at ang mga labi niya sa mga labi ko. Ilang segundo kami sa ganoong ayos. Ang puso ko, ang lakas ng pintig. Parang isang wild animal na nagwawala sa kulungan. Gustong lumabas. Ramdam ko rin ang paghahabol niya sa hininga niya at nakita ko ang paulit-ulit niyang paglunok pero bago pa kami tuluyang mawala sa katinuan ay pinilit kong gisingin ang sarili sa katotohanan. Agad akong nag-iwas ng tingin saka tumayo. "A-ang init. K-kailangan ko ng pampalamig. B-bibili lang ako." Dali-dali akong lumabas ng library at hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita dahil para na akong sasabog sa sobrang init ng nararamdaman ko. Pagkalabas ko ay agad akong napasandal sa pader ng library dahil pakiramdam ko, unti-unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa dibdib ko, nararamdaman ko pa rin ang bilis ng pintig ng puso ko. Nag-inhale- exhale muna ako para kahit papaano, mapakalma ko ang sarili ko at nang kumalma na ako saka lang ako tuluyang pumunta sa pinakamalapit na tindahan at bumili ng maiinom. Pero, teka! Nakalimutan kong probihited pala sa loob ng library ang foods and drinks. Hay, Anton. Saan mo ba nilagay ang utak mo? Ba't hindi ka muna nag-isip? Baka ano nang iniisip ni Clark ngayon. Bahala na. Napatingin ako sa naka-display na paninda nila at naagaw ng pansin ko ang candies na nandoon. Kumuha ako ng isa at tiningnan ko ito. Ito 'yong candies na madalas kainin ni Clark, ah. Sigurado akong ito nga kasi ganito rin ang balat ng candies na nakita ko sa kwarto niya at sa kwarto ko. May kung anong ngiting sumilay sa mga labi ko. Kumuha ako nang marami at binili ko 'yon. Bumalik na ako sa library pagkatapos. Pagpasok ko ay agad na akong dumiretso sa kung saan kami nakapwesto. Nakita ko kaagad siya at nakabalik na siya sa dati niyang inupuan kanina at muling nakafocus sa librong binabasa niya. Pagkalapit ko ay agad kong inilapag sa mesa ang mga candies na binili ko. Napatingin siya sa mga candies saka nag-angat ng mukha at diretso ang tingin sa akin. "Naalala ko bawal pala 'yung drinks dito kaya candies na lang ang binili ko," sabi ko sabay upo sa upuang kaharap niya. "Bakit ito ang binili mo?" Tanong niya. "Kasi, favorite mo," sagot ko naman. "Who told you that these are my favorite?" "Ito kasi 'yong lagi kong nakikita sa kwarto mo at sa kwarto ko. B-bakit?" Hindi siya umimik, tumayo siya at isinauli na niya ang librong binabasa niya. Bumalik siya sa mesang inuupahan namin at kinuha ang bag niya. "Let's go," aya niya sa akin saka umalis, palabas ng library. Dali-dali ko namang pinagdadampot ang mga candies sa mesa at inilagay ko iyon sa loob ng bag ko at lakad-takbong hinabol ko si Clark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD