CLARK'S POV
Andito ako sa park ngayon, naghihintay kay Anton. Tinawagan ko siya para magkita kami ngayon at pumayag naman siya. Napatingin ako sa wristwatch na nasa kamay ko, it's almost 7:00 pm.
"Kanina ka pa ba?"
Umupo siya sa tabi ko.
"Si Jane, nakausap mo na ba?"
Tango lang ang tanging naisagot niya.
"Kumusta? What did she said?" Sunud-sunod niyang tanong.
"She's not angry but she was disappointed. Disappointed siya nang marealized na akala niya, bumalik na sa dati ang pakikitungo sa kanya ng kuya niya pero hindi pa pala."
I released a deep sigh.
"Bakit hindi maganda ang relasyon ninyong dalawa?"
Hindi ako nakasagot. Sasabihin ko ba ang dahilan? Pero baka, mag-aalburuto siya kapag marinig niya ang pangalan ng ama namin. Alam kong galit siya kaya mas minabuti ko na lang ang tumahimik.
"Ok lang kung ayaw mong sabihin."
"H-hanggang ngayon ba, galit ka pa rin ba sa akin?"
Napatingin ako sa mga kamay niya, pinagpipisil niya ang mga daliri niya at bigla na lang akong napapikit at nasa loob na ako ng sarili kong katawan. Napatingin ako kay Anton at napatingin rin siya sa akin at agad ding yumuko.
"What about you? Are you still mad at me?"
Galit pa ba ako sa kanya? Oo, galit ako sa kanya dahil anak siya ng babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pamilya ko at ninais ko pa ngang saktan siya pero noon 'yun, iba na ngayon. Hindi ko na mahagip sa puso ang salitang galit para sa kanya. Bakit kaya? Dahil ba unti-unti ko na siyang nakikilala?
"Not anymore," sagot ko sa kanya.
Napatingin ako sa kanya saka ko nalamang nakatingin din pala siya sa akin. Nagkatitigan kami, nag-uusap ang mga mata namin. May kung anong damdaming bigla na lang umusbong sa puso ko. Bumaba ang paningin ko sa mga labi niya kahit pa araw-araw ko pa ito nakikita, nahahawakan pero iba pa rin pala talaga kapag nakikita at namamasdan mo ito sa mismong si Anton na ang nasa loob ng katawan na 'to, nakakaakit, nakaka-engganyo, nakakasabik.
Muli ko siyang tiningnan sa mga mata at nakita ko siya na nakatitig na rin pala sa mga labi ko. May kung anong pakiramdam na nagtulak sa akin para ilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nagkatitigan kami nang maramdaman na namin ang init ng hininga ng bawat isa. Halos one inch na lang ang agwat ng mga labi namin. Mas lalong nagsaya ang kakaibang sensayong nararamdaman ko nang dahan-dahang ipinikit ni Anton ang kanyang mga mata at para bang naghihintay itong maglapat ang mga labi namin. Kaylakas ng pagpintig ng puso ko, nagkakagulo! Napapikit ako nang aangkinin ko na ang mga labi ni Anton pero sabay kaming napapiksi nang biglang tumunog ang phone niya.
Napatingin ako sa kanya at napangiti siya ng pilit sabay dukot ng phone niya sa bulsa niya. Habang kausap niya ang tumawag sa kanya. Tumayo ako na para bang nadidismaya sa naudlot na halikan. Aminado talaga akong nadismaya ako. Bakit ba kasi naka-on yong phone niya. Kainis!
"Ah, Clark?"
Agad akong pumihit paharap sa kanya. Nakita ko sa ikinikilos niya na para siyang nahihiya. Hindi ko lang alam kung san siya nahihiya, sa pagpikit niya o sa istorbong caller niya.
"B-bakit?"
"M-mauna na ako. K-kailangan kong matulog ng maaga kasi m-may pasok pa bukas. Sige, uwi na ako."
Dali-daling siyang lumakad paalis pero agad ko siyang sinundan.
"Hatid na kita," sabi ko sa kanya.
"W-wag na! Wag na, ok lang ako. Malapit lang naman ang bahay dito," tanggi niya pero ewan ko ba, bigla ko na lang hinuli ang kaliwa niyang kamay saka siya bahagyang hinila.
Napatingin siya sa kamay niya na hawak-hawak ko, sinubukan niya itong hilain pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko kaya hindi na rin niya ito muling sinubukan hilain. Pagkarating namin sa bahay nila ay agad din siyang nagpaalam.
"P-pasok na ako," sabi niya at tumangu-tango lang ako bilang sagot.
Napatingin siya sa kamay niyang hawak-hawak ko pa rin. Nang mapagtanto kong hawak ko pa rin pala ang kamay niya ay bigla ko na lang itong binitawan at medyo napahiya ako du'n. Agad na siyang pumasok sa bahay at ako naman ay parang natauhan sa mga pinaggagawa.
"Ano ka ba, Clark? Baka aakalain nu'n, gusto mo siya."
Natigilan ako sa mga sinabi ko sa sarili ko. Gusto? Gusto ko na nga ba si Anton? Impossible! More than a month pa lang kaming ganito at magugustuhan ko na kaagad siya?
ANTON'S POV
Patihayang bumagsak sa sarili kong kama ang katawan ko. Nanariwa pa rin sa isipan ko ang muntikang halikan kanina. Dahan-dahan kong itinaas ang kaliwa kong kamay at muling nanariwa sa balintataw ko ang ginawang paghawak ni Clark dito kani-kanina lang and without knowing na unti-unti na palang nagmumuo ang ngiti sa mga labi ko.
Bigla akong napaseryoso. Hay, ano ka ba, Anton! Magkatino ka nga. Kinikilig ka naman nang wala sa oras. Bigla akong bumangon para ayusin ang sarili at nang makatulog na. Nanghilamos ako saka nagpalit ng pantulog na damit. Nang pahiga na sana ako ay napatingin ako sa side table ko.
May nakita akong balat ng mga candies. Mahilig pala siya sa ganitong candies? Ganito rin kasi ang nakita ko sa kwarto niya. Bakit kaya siya mahilig kumain ng candies? Kinuha ko ang isang balat saka humiga. May kung anong kapilyuhan ang biglang pumasok sa isip ko, inamoy-amoy ko ang balat ng candies habang nakapikit at ang naglalaro sa isip ko ay ang eksina kanina na muntik na niya akong mahalikan. Bakit ang bango ng hininga niya? Nakakaadik, nakakapanabik! Kung hindi lang tumunog ang phone ko, siguro bumigay na ako kanina. Napakalapad ng ngiting nasa mga labi ko habang naaalala ko ang mga nangyari. Dahan-dahan kong inilagay ang palad ko sa kaliwang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso ko, ang bilis! Haist! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ko'to nararamdaman ngayon? Bakit iba ang effect niya sa akin? Pag-ibig ba ito? Bigla akong napamulat sa naisip, hindi-hindi 'to pag-ibig. Hindi!
CLARK'S POV
Nang makauwi na ako ng bahay ay agad na akong umakyat papuntang kwarto pero bago pa ako tuluyang nakapasok, napatingin ako sa saradong pinto ng kwarto ni Jane.
"She's not angry but she was disappointed. Disappointed siya nang marealized na akala niya, bumalik na sa dati ang pakikitungo sa kanya ng kuya niya pero hindi pa pala."
Naalala kong sinabi sa akin ni Anton kanina kaya dahan-dahan ko itong nilapitan at binuksan. I saw her sleeping, lumapit ako sa kinahihigaan niya saka ko siya pinagmasdan. I love her. I do pero nu'ng pinili niyang sumama sa ama namin noon sa US nagbago ang lahat. Sinaktan ni papa si Mama pero pinili parin niyang sumama sa taong nanakit sa ina namin pero kahit ganu'n, ang pakikitungo ko lang ang nagbago sa kanya, ang pagmamahal ko sa kanya bilang kuya ay nananatili pa rin sa puso ko hanggang ngayon at hindi na iyon mababago pa.
Sorry, Jane kung kailangan mong mararamdaman ang mga 'yon. Mahal kita, sana 'wag mong kalimutan 'yon. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok niyang nakatakip sa mukha niya saka ko siya dinampian ng halik sa kanyang noo. Pinagmasdan ko muna siya bago na ako tuluyang lumabas ng kwarto niya at dumiretso na ako sa kwarto ko.