CLARK'S POV
Matapos kong ayusin ang sarili sa harap ng salamin ay agad na akong bumaba sa sala. Abala pa ako sa pag-aayos ng buhok ko habang pababa na ako ng hagdan nang bigla akong natigilan dahil narinig ko ang boses na ayaw kong marinig. Si Direk andito! Nag-uusap sila sa sala ng Mama ni Anton.
"Namiss ko po kayo nang sobra, Tita," nakangiti pang sabi ni Direk.
"Namiss din kita. Ang tagal mo ring nawala, ah," tugon naman ni Rita.
"Oo nga po, eh."
Ba't ba ang aga-aga nandito siya? Ano bang ginagawa niya rito? Dahan-dahan akong umakyat pabalik sa kwarto dahil ayoko siyang makita pero bago pa ako tuluyang nakabalik ay biglang sumulpot sa likuran ko si Yaya na kalalabas lang nito mula sa kusina.
"Oh, Anton! Andiyan ka na pala," bulalas nito.
"Yaya naman, eh!" sigaw ng utak ko sa sobrang inis. 'Yong tipong gusto mong tumakas pero ibinuko ka. Haist! Nakakainis lang talaga! Napilitan akong pumihit paharap kay Yaya at sapilitang ngumiti kahit nababadtrip na.
"Hi, good morning po, Yaya," napipilitan kong bati sa kanya and as expected, narinig kami nina Rita at Direk kaya napalingon sila sa amin.
"Nak?" tawag sa akin ni Rita at napapikit na lang ako sa inis.
"Babe?" tawag din sa akin ni Direk kaya sapilitan akong ngumiti sa harap nila.
"Hi, b-babe," nasusuka kong bati.
Babe! One word, one syllable with four letters and it composed of two vowels ang two consonants. Ang daling baybayin pero bakit ba ang hirap bigkasin?! I have no choice kundi ang lumapit na lang sa kanila kahit pa nakakailang na.
Nang makalapit na ako ay agad akong hinalikan sa noo ni Direk pero bago pa niya nagawa 'yun ay dali-dali akong yumuko para kunwaring inaayos ang butones ng sout kong damit. Nakita ko kung paano napahiya si Direk at para hindi siya masyadong sapul ay kunwaring inayos niya ang buhok ko. Lihim akong napangiti nang mapansin ko ang napipilitan na ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
"Ba't ka nga ba nandito nang ganito kaaga?" maya-maya'y tanong ko sa kanya.
"Lasi ihahatid kita sa school," nakangiti niyang sagot. Ayan na naman siya! May magagawa pa ba ako? Hay, hanggang kibit-balikat na lang ang kaya kong gawin ng mga oras na 'to. Habang on the way to school na kami ay panay ang daldal ni Direk pero tulad ng dati, tahimik lang ako, tipid lang talaga ang mga sagot ko sa kanya.
Nang mag-red ang traffic light ay napahinto siya, napatingin ako at my right side at hindi ko inaasahang makikita ko sa ganu'ng sitwasyon si Anton. Nasa labas siya ng isang convenience store habang nakaupo sa motorsiklo. Bakit kaya siya andyan ngayon? Anong ginagawa niya sa harap ng convenience store? Napatingin ako sa babaeng kalalabas lang galing sa loob ng convenience store, napakurap ako para lang malinaw kong makita kung sinong babaeng 'yun and I found out na si Jane pala ang kasama niya.
Nakita kong si Anton mismo ang naglagay sa ulo ng kapatid ko ng helmet nito saka ito umangkas ng sakay sa bandang likuran niya pero bago pa sila nakaalis ay nag-go signal na ang traffic light kaya pinatakbo na ni Direk ang kotse. Tiningnan ko na lang sila sa side mirror hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko at hindi ko na napagmasdan pa kung saan ang punta ng dalawa.
Hindi ko akalaing ganu'n ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Muli kong nakita ang ngiti sa mga labi ng kapatid ko na matagal ko na ring hindi nakikita. Kahit papaano pala, may magandang naidulot rin ang pagpalitan ng mga katawan namin ni Anton at dahil na rin sa tagpong iyon, ang pagkakabadtrip ko kani-kanina lang ay biglang gumaan. And I found myself smiling.
"Why?" biglang naitanong ni Direk.
"Huh?" Taka ko ring tanong.
"Why are you smiling?"
"May naalala lang ako. Don't mind me, just focus on driving."
Hindi na rin siya nag-usisa pa hanggang sa dumating na kami sa school. Dali-dali siyang lumabas at ipinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Thank you," sabi ko sa kanya matapos niya akong ipagbukas ng pinto. He bow down his head to give me a kiss pero umiwas ako.
"Maraming nakatingin sa atin. Nakakahiya naman," pigil ko sa kanya.
"Smack kiss lang naman," parang bata niyang sabi.
"Kahit na," tutol ko pa rin at bahagya ko siyang itinulak palayo.
"Go," taboy ko pa sa kanya kaya nagkibit-balikat lamang siya saka tumalima.
Agad siyang sumakay ng kotse niya pero bago pa niya ito pinatakbo, sumilip muna siya para tingnan ako.
"Babay," nakangiti kong sabi sabay kaway at napakaway na rin siya saka tuluyang umalis. Pupunta na sana ako sa room namin na siyang pagdating ni Anton lulan ang pagmamay-ari kong motorsiklo.
Pinagmasdan ko siya, tinggal niya muna ang helmet na suot niya saka siya bumaba ng motorsiklo. Tinanggal niya ang gloves niya at isinuksok niya ito sa u-box ng motorsiklo. Nakasilip siya sa salamin ng motor at tiningnan ang sarili at habang inaayos niya ang kanyang sarili ay nagsidatingan ang mga barkada ko.
"Hey, dude!" sabi ni Joey at bahagya pa siyang tinapik nito sa balikat.
"How are you?" tanong naman ni Romir.
"Ok lang. Kayo ba?"
"Okeng-ok," sagot ni Romir.
"You sent her again?" Biglang natanong ni Mark.
"Yeah," tumangu-tango si Anton.
"Mukhang close na kayong dalawa ni Jane, ah!" puna naman ni Joey, "Hindi naman siya mahirap pakikisamahan, eh," sagot ni Anton.
"Sana ganu'n rin silang dalawa ng Kuya niya," sabad ni Mark.
"Kung hindi namin alam na nagkapalitan kayo ng katawan ni Clark, siguradong aakalain talaga namin na ok na talaga silang dalawa. Para kasing tunay na magkakapatid ang turingan ninyo, eh," sabi ni Joey.
"Oh, baka gusto mo siyang maging tunay na kapatid?" tukso ni Romir kaya nasapak niya bigla si Romir dahil sa sinabi nito.
"Kung anu-ano na yang pumapasok sa utak mo. Hindi ba pwedeng ginagawa ko lang 'to kasi 'yun naman talaga ang responsibility ng isang nakakatandang kapatid? Isa pa, dahil kay Jane, naramdaman ko kung ano ang pakiramdam nang may kapatid kaya wag kang engot dyan."
Nagpatiuna sa paglakad si Anton at agad namang sumunod ang tatlo, .
"Oy, biro lang," habol ni Romir.
"Pero wala ba talagang pag-asang maging kayo ni Clark?" tanong ni Mark at agad naman siyng tumakbo palayo nang biglang nag-aapoy si Anton dahil sa kanilang kakulitan. Napangiti ako sa mga nakita at narinig ko. Biglang naging buo ang araw ko at hindi lang 'yun, naging masigla pa.
ANTON'S POV
Pakiramdam ko, punung-puno na talaga ang utak ko ng mga numero dahil buong klase kaming nakatutok sa mga ito pero ewan ko ba, kahit pakiramdam kong punong-puno na ang utak ko pero kapag piniga ko naman nang kahit ilang beses, wala akong makukuha.
At dahil sa pressure na nadama sa loob ng room, pagkatapos ng klase ay dumiretso ang tropa sa paglalaro ng billiard at dahil nga hindi ako marunong ay nakatingin na lang ako, nagmamasid habang inoobserbahan ko ang bawat tira nila, ang bawat galaw nila para kahit papaano'y may kaide-ideya din ako.
"What are you looking at?"
Napaigtad ako nang may biglang nagsalita sa bandang punong tenga ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Leo, ningitian niya ako habang naglalakad siya palapit sa billiard table. Nabigla rin ang tropa sa biglaan niyang pagsulpot dito.
"Ba't nakatingin ka lang? Ayaw mo bang maglaro?"
Nanunudyo nitong tanong habang nakangisi kaya medyo nainis na rin ako.
"Ano na ba ang nangyari sa tinatawag nilang " billiard's king "? Parang singer, kakasikat lang, na laos agad-agad?" panginginsulto pa niyo. 'Yong tipong naghahanap ka ng lugar para mabawasan kahit papaano ang pressure na nararamdaman mo tapos biglang may masamang hangin na dumating na lalong nagpalala sa pressure na 'yun. Pero this time, haharapin ko na talaga ang taong 'to.
"Wag kang masyadong mapagmataas, baka sa sobrang taas mo mahihirapan ka nang bumangon sa oras na bumagsak ka," paalala ko sa kanya.
"Bakit? Is there something you can do inorder to drag me down?" nakangiti p nitong tanong. Naniningkit ang mga matang nilapitan ko siya habang ramdam rin ng tropa ang intense ng tagpong iyon. Dahan-dahan kong inilapit ang bibig ko sa punong tenga niya saka nagsalita.
"Let's play again," hamon ko sa kanya.
Nakangiting napatingin sa akin si Leo na para bang ang baba pa rin ng tingin niya sa akin.
"Sure! Why not?" agad niyang sang-ayon kaya napangiti ako habang tumangu-tango.
"Just choose the date," aniya.
"What about tomorrow at 7:00 o'clock in the evening?" tanong ko.
"Fine! Let's do that," walang pagdadalawang-isip niyang tugon.
Pinagmasdan ko siya habang nakangiti. This time, Clark needs to win.