Inalis niya ang aking mga kamay sa kanyang katawan at inalalayan paupo sa barstool. Nang maka-upo ay pinagdikit niya ang aking mga hita at hinawakan ang aking tuhod saka yumuko para pulutin ang iilan pang cards ko na nagkalata sa sahig. Kumurap-kurap ako para luminaw ang aking paningin at nakita ko na hawak niya ang isang ID na matagal ko ng tinatago. Hinablot ko iyon sa kanya gamit ang aking dalawang kamay para sigurado na makukuha ko iyon saka ko pinagsiklop ang aking mga palad para itago ang ID. Napailing lang siya at ibinaling ang atensiyon sa glass na nasa counter. Kinuha niya iyon na may kaunti pang laman saka tinignan at inamoy, pagkatapos ay ininom ang sobra na ikinakunot ng aking noo. Matalim niya akong tinignan saka siya nagtawag ng bartender. Nanghingi siya ng tubig ng hindi

