Ate resigned at De Veyra Industries a few days ago and now, she's bored to death. Sanay siya na may ginagawang trabaho kahit nandito sa condo kaya ngayon ay nakuha narin niya na iparenovate ang aming balcony. I also got a chance to talk to her at nabanggit ko ang aking plano na business pati narin ang pagpunta sa Paris with Lisa. "Oh, that's great. You finally found what you're into. Invest on something that you love to do, Serene. You'll never know until you try." "Pero magtatagal ako sa Paris, Ate." Napatitig siya sa akin at napayuko naman ako. Parang nabasa na niya ako dahil narinig ko ang pagbuntong hininga niya at lumapit siya sa akin para tabihan ako sa sofa saka niya ako niyakap ng mahigpit. "If he loves you, he will support you all the way. Don't be afraid and be strong." I a

