Tahimik akong sumunod sa kanila papuntang supermarket, nag-iisip ng pwede kong i-comeback kay Dex. He can't have the last say, hindi niya ako mapapatahimik. kumuha ako ng dalawang cart, one on each hand amd looked for the guys. "One for you, Kuya Caius." I said and handed the cart to him saka ko naman hinila ang isa pa at nilapit kay Dex. "Paki ayos ang trabaho." Masungit kong sabi saka naglakad papunta sa dairy section. Nag-focus ako sa pagbili ng mga pagkain para sa mga bata at sinadya kong hindi na pansinin pa si Dex. Hinayaan ko siyang sumunod-sunod lang sa amin ni Ace tulak ang isang cart. Balak ko pa nga sanang kumuha ng isa pang cart para ibigay sa kanya pero hindi pa mapuno-puno ang dala niya. Nagpaalam si Ace na titingin lang sa fruits and vegetables section, sasama sana ako s

