Buo maghapon sila lumangoy ni Yael. NagScuba diving pa nga sila at sobra saya niyun. Ang daming iba't-ibang uri ng mga isda ang nakita niya. Malalim na ang gabi pero hindi naman siya makatulog. Pagod ang katawan niya pero hindi ang isip niya. Tulog na kaya siya? Nasa kabila kwarto ang binata. Natutuwa siya dahil gentleman ito sa kanya pero may kunti disappointment lang. Ayaw ba nito na katabi siya? Pilya sabi ng isip niya. Agad na sinuway niya ang isip. Bumangon siya sa kinahihigaan kama. Hindi pa siya nakakaapak sa carpeted floor ng makarinig siya ng hindi pangkaraniwang ingay. What's that? Pinakinggan niya ng maigi ang ingay na iyun. Tila isa iyung alulong mula sa isang malaki at mabagsik na hayop. Bigla siya kinilabutan. Muli niya narinig ang alulong iyun. Imbes na bumangon

