DAY OFF niya kaya naman naisipan niyang ipagluto ng lunch si Yael at dalhin sa hospital. Bitbit ang isang paper bag ng pumasok siya sa hospital at agad naman binati siya ng mga nurses roon na suportado ang relasyon nila ni Doktor Yael. Kakatok sana siya sa ng marinig niya na may boses na babae siya naririnig mula sa loob ng opisina ng nobyo. Pamilyar yun,ang alam niya nakaleave pa din ito hanggang ngayon. Mukhang aahasin pa ng bruha yun ang nobyo niya. Kung ano man ang pakay niya sa kanya kasintahan hindi niya hahayaan na maagaw nito sa kanya. Kumatok siya. Bumukas iyun at ang kasintahan ang nabungaran niya. Agad na ngumiti siya rito ng ubod ng tamis. "Nagdala ako ng lunch mo!"bulalas niya at walang hiyang-hiya na tumingkayad para halikan ang nobyo. Ang kanya magiging unang halik.

