TWO

541 Words
She's so hopeless! Hopeless romantic. Maganda naman siya,matalino at higit sa lahat kaibig-ibig! Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang nobyo?! No boyfriend since birth! Panget ba siya? Napasimangot siya,hindi na talaga siya makikipagblind date kung hopia din naman ang ending. "Hay naku,doktora! Wag ka nga sumimangot dito sa coffeeshop ko,tutumal ang kita ko.." sita ng kaibigan si Fren,ang may-ari ng Frenly-Coffee shop. Ipinatong nito ang tasa na may kape sa harapan niya kasama ang isang slice na moccha cake. Agad na nilantakan niya yun. "Alam mo Diana,bata ka pa naman matatagpuan mo din siya," anito. Napabuga siya ng hangin. "30 years old na ko..lahat ng mas bata sakin at mga katrabaho ko sa hospital may mga asawa na at kasintahan..how about me?"hinanaing niya sa kawalan ng kasintahan. "Masyado ka kasi nagpapapressure sa paligid mo,eh ano ngayon kung ikaw na lang ang matandang dalaga sa buong Mindanao?!" Sinimangutan niya ito. "Grabe ka sakin..sige lang,sa susunod na magpatingin ka sakin tatahiin ko yang pempem mo!" angil niya rito. Nanlaki ang mga mata nito. "Uy,Grabe ka ah! Inggit ka lang kasi may pumapasok sakin eh sayo,musta naman?" Sinamaan niya ito muli ng tingin. Ngumisi naman ito at nag-piece sign sa kanya. Ganun lang talaga sila magbiruan ng kaibigan. May kasamang kahalayan. "Anyway..may Pedia na ba kayo?" pagbabago nito ng usapan. "Mayron na daw galing Manila.." "Hay,buti naman,kailangan ko patingnan ang baby ni Ate..kumpleto naman sa vitamins at tulog namamayat pa din.." anito. "Sige,text kita kapag dumating na siya.." aniya. Nakaugalian na niya na bago pumasok sa hospital dumadaan siya sa coffee shop ng kaibigan at ganun din kapag hindi siya pagod sa hapon bago umuwi ng kanyang bahay. She sighed. Ganito palagi ang ikot ng buhay niya. Trabaho-bahay,bahay-trababo..pangspice lang ang pakikipagblind date niya kasi iyun na lang ang kulang sa kanya. Lalaki. Hays,sabagay tama si Fren,nagpapapressure siya sa paligid niya,eh paano ba naman may sumpa ata siya na walang lalaki na magkakagusto sa kanya. Oo,nagkacrush na siya sa mga lalaki. Natural naman yun pero ang magkagusto? First love? Hindi pa ata... Bakit kaya? Normal ba ang puso niya? "Good morning,Doktora!" salubong ng kanya assistant nurse. "Morning,"tugon niya habang papasok sa private office niya. " May nakaschedule na patient?"agad niya tanong. "Yes,ma'am..mga 9:00 am pa.." Sumulyap siya sa suot na wristwatch. 8:30 pa lang ..may kalahating oras pa siya para magmuni-muni. "Dok..nakita niyo na ba yung bagong pedia natin?!" may excitement nito saad. Napatingin siya rito. Halatang kinikilig ang loka. "Kakarating ko lang,ineng.." aniya. Humagikhik ito. "Dok,ang super-duper hot ng bago pedia natin!"pigil nito magtitili. Namimilipit nga lang. She sighed. Ngayon lang siguro nakakita ng tao ito sabagay galing ba naman ng maynila eh. " Ang tanong single ba?"aniya habang inaabala na niya buksan ang laptop niya. "Yes,Dok..very single!" Tumango siya na tila walang pakielam. "Ah,mabuti..at least inspired na ulit ang mga single dito.." "Kayo din,Doktora! Maiinspired na din! Nagkaroon na rin tayo ng gwapo doktor dito nakakasawa na kasi ang pagmumukha ng mga may itsura satin dito tas may dyowa na din..may bago na tayo pagpapantasyahan!" She sighed. "Ayoko ng may kahati..sa inyo na lang siya.." aniya. Humagikhik naman ito. "Okay,Dok..sabi mo eh!" anito. Napailing na lang siya. Tanggap na niya na forever single na siya. Haist,may forever talaga.. Forever siyang single.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD