Meantime, nasa hospital na sina Lendon at Mad sa oras na iyon, tulak-tulak nila ang stretcher na hinihigaan ni Lyka. Wala pa rin itong malay. Bakas sa hitsura nito na matindi ang napagdaanan nitong hirap, may pasa ang mga braso nito, may sugat din ang mga palapulsuhan nito na parang itinali nang mahigpit. At dahil na rin sa matinding paglangoy ay makikita sa paa at binti ni Lyka ang iilang sugat at gasgas dahil siguro sa mga bato sa dagat. "Please wake up, Lyka! Nandito ako!" usal ni Mad sa kabila ng nangingig na boses. Umiiyak na ito dahil sa pagkakabahala, hindi niya matatanggap na may mangyari kay Lyka. He will never forgive himself. Base sa report ng naval group kani-kanina lang ay nakita ng kabilang isla ang yateng nahagip ng radar. Doo'y nakumpirma nila ang tatlong katawang ban

