Nagpatuloy ang ginagawa kong panliligaw kay Niko, pero mas maganda na ang trato nito sa akin, gumigising ako ng mas maaga para ipagluto sya ng breakfast nya at lunch dinadala ko na lang ito sa condo nya ng maaga, gaya ngayon andito na ako sa harap ng condo nya alam ko naman na gising na sya,
"Hi love"
bungad ko pagkabukas nya ng pinto ng condo nya.
"Niks ang aga mo"
"Pinagluto kasi kita ng breakfast at lunch mo"
sabi ko sabay hagod sa katawan nya, shirtless kasi ito at nakabalandra ang six pack abs, s**t na malagkit wag ganito kay aga aga eh, parang gusto kong sya yung maging breakfast ko,
Tumikhim sya dahil natulala na pala ako,
"Alam kong gwapo pero tama na yang pagpapantasya mo ang bata bata mo pa eh,"
"Bata excuse me ilang months na lang pwede na akong gumawa na bata noh, saka pwede ba na ikaw ang escort ko sa eighteenth birthday ko?"
Nag puppy eyes pa ako sa kanya para sigurado at saka sa pagkaka alam ko eh pinipigilan lang nito ang sarili nya sa akin kasi nga ang bata ko pa, pero humanda sya sa akin pagkatapos ng debut ko, sisiguraduhin ko na matutoy na yung naudlot na love making namin, I'll make sure na mababaliw sya akin.
Teka theory pa lang ang alam ko wala pa akong alam sa laboratory nanunood ako ng porn noh para may alam naman ako kahit pano,
Pinapasok nya ako sa loob ng condo nya at sabay kaming nag breakfast wala pa talaga syang luto, balak nya na sa office na kumain,
Tinititigan ko sya habang nakain parang sarap na sarap sya sa pagkain eh scarmbled egg,hotdog, bacon lang naman ang niluto ko may kasama din palang tuyo parang mas gusto nya yung tuyo na niluto ko, tinandaan ko yun sa isip ko para alam ko ang lulutuin ko sa susunod,
"wag mo akong tungangaan dyan at kumain ka na baka malate pa tayo parehas, ihahatid na lang kita sa school mo para hindi ka malate para na rin hindi ka na tumambay sa site, magbibihis lang ako"
Tinapos ko ang pagkain ko at sya naman ay nagpunta sa kwarto nya para magbihis na, niligpit ko naman ang pinagkainan namin, kahit anak mayaman ako at may katulong kami inaral ko talaga ang mga gawaing bahay, si Niko ang dahilan, gusto kong maging ulirang asawa sa kanya, patapos na ako ng paghuhugas ng plato ng bumaba sya ng hagdan,
"bakit nilinis mo pa yan may napunta naman dito araw araw para maglinis,
"Ok lang kaya ko naman maliit na bagay lang naman to, saka para sayo naman to baka ipisin yung mga pingggan kapag matagal na nakatambak sa sink".
Bumuntong hininga ito at niyaya na akong umalis na, nakakapit ako sa braso nya habang naglalakad kami, hindi nakaligtas sa akin ang ingit sa mga mata ng mga babaeng nilalagpasan namin, gusto kong magdiwang iba ang pakiramdam na sa dami ng babae may gusto kay Niko yung atensyon nya ay nasa akin, kahit ngayon lang ok na ako dun pasasaan ba at sa susunod sisiguraduhin kong hindi na sya lilingon sa kahit na sinong babae.
Masaya akong sumakay sa kotse nya actually galing na ako sa school, inihatid ako ng driver namin nag grab lang ako papunta sa condo ni Niko five a.m pa lang gising na ako para ipagluto sya, ginagap ko ang kamay nya kaya ang resulta magka holding hands kami habamg nagmamaneho sya, binibitawan nya lang ang kamay ko kapag mag change gear sya, at hahawakan ko ulit ang kamay nya pagkatapos.
Naiiling na lang sya sa ginagawa ko pero hindi naman sya natutol gusto rin naman nito eh pakipot lang ang g**o.
Pagdating sa campus di muna ako bumaba maaga pa naman gusto ko pa syang makasama, naiinis na sya sa akin pero dedma lang ako.
Parang napasama pa ata ang pag standby dito sa parking kasama sya dahil nakita nya si Cherry.
Hindi maalis ang tingin nya sa babaeng hitad.
sobrang igsi ng palda ng babaeng yun konting yuko lang makikitaan na pero parang gustong gusto nya iyon, tinakpan ko ang mata ni Niko, pilit nyang tinatangal ang kamay ko, tinangal ko lang ang pagkakatakip ko ng mawala na sa paningin ko si Cherry
"Sino yun?"
"Wala wag mo ng alamin" sabay labas ng kotse nya bad trip talaga,
Alam ko na ganung babae ang gusto nya, well lahat naman sa campus gusto sya, ayaw nila sa simple lang, gusto nila yung agaw pansin, yung kaiinggitan sila kapag kasama nila yung babae, kung kaya ko sana pero may respeto pa ako sa sarili ko at ayaw ko din na magkaroon ng kaaway, yung galit dahil sa inggit
Sana lang naging maganda sya pero hindi maldita kaso hindi, maldita, bully at war freak ito madami din itong alipores kaya iniilagan ng iba kagaya ko, pero ewan ko ba mainit talaga ang dugo nya sa akin
Naputol ang pagmumuni ko ng lumapit sa akin si Cherry
"Hoy Dani bakit kasama mo si Engineer Niko? Don't tell me boyfriend mo yun? Aw too sad hindi kayo bagay,
inirapan ko lang sya at nagderetso na ng lakad ayaw kong masira ang araw ko.
Kinuha ko ang cell phone ko sa bag at tinatawag si Mary.
" Girls asan na kayo?"
"saan pa di sa dating tagpuan"
nagpunta na ako sa pinaka dulo ng bussiness administration building, sa dulo kasi nito ay may benches at table kaya marami ang natambay dito na bussiness ads students, as usual nakain nanaman sila kaya ako nataba dahil din sa kanila, agad inabot sa akin ni Cathy ang isang burger na galing sa isang sikat na fast food chain manager kasi ang mommy nya dito.
Sa aming 3 ako ang pinaka payat mataba talaga kasi si Cathy at Mary pero di maikaka ila ang ganda nila, kaya nga tinawag kaming The good looking chubby. Funny pero minsan chubby na lang ang tawag sa amin nawawala na yung good looking