I still can't believe he's here with me, sleeping so peaceful like a child without worries. Tinitigan ko ang mukha ni Aspen na masarap na natutulog matapos naming pagsaluhan ang isang mainit na sandali. At dahil ilang buwan rin kaming hindi nagkasama ay sabik na sabik kami sa isa't-isa at halos hindi ako tinigilan sa mga halik nito hanggang sa sumuko na ang katawan nito sa pagod at antok. Ako naman ay hindi pa makatulog kahit na gusto nang pumikit ng aking mga mata. Gusto ko pang titigan ng matagal ang gwapong mukha ni Aspen. I never thought I would love a man so deeply na halos wala na akong maitira para sa aking sarili. Nagpapasalamat na lamang ako ng husto sa Panginoon dahil kung gaano ko kamahal si Aspen ay ganoon rin siya sa akin. Pareho kaming walang saplot na magkayakap sa ilalim

