"I was invited by Christina. Who's this pretty lady beside you?" Bahagya akong napasinghap dahil tinawag ako ni Sylvia na pretty. Maganda ang pagkakangiti nito at mukhang mabait because she acknowledged me sabay beso sa akin. "Andy, Sylvia. Sylvia this is my girlfriend, Andy." pakilala sa amin ni Aspen sa isa't isa bagama't kilala ko na kung sino ito sa pangalan. The girl who's promised to him. Gusto kong magbaba ng tingin ngunit wala akong magawa kundi magpanggap na wala akong nalalaman tungkol sa pagitan nilang dalawa at kung anong koneksyon ang meron sila sa isa't-isa. Curious ako kung ano ang reaksyon dito ni Aspen. Bakas sa mukha nito ang pagiging kaswal sa harap ni Sylvia na parang may hindi magandang pinagsamahan ang dalawang ito sa nakaraan. Isa rin kaya siya sa mga babaeng

